ANG HASSLE KUMUHA NG NBI
Nagpunta ko sa NBI Satellite Office for biometrics nung July 29, sabi balik daw ako ng August 14 kasi may HIT ako. Nagtataka ako bat sobrang tagal e usually 10 days lang naman yun.
Edi punta naman ako nung August 14 friday, kaso halfday lang sila gawa ng nag suspend ang Malacañang ng pasok kasama govt office dahil sa bagyo kaya di ako nakaabot.
Nung August 17 monday, nakaabot naman ako dun sa satellite office kaso sabi need ko naman pumunta sa NBI Main for QC, kaso halfday lang ulit ang govt offices gawa ng bagyo. Di ako aabot kung pupunta ko kasi medyo malayo din.
Hanggang ngayon August 20 wala pa rin govt office di ako makakuha ng NBI Clearance dahil sa bagyo isang linggo walang govt office tas bukas august 21 holiday pa.
Sa august 26, na first day ko di pa ko nakakapag bigay ng NBI. Sana lang talaga pumayag sila na to follow yung NBI Clearance.
Nakakapakshet talaga pag govt office pwede mag suspend ng pasok pero sa private company hindi pwede!!! mamamatay na lang ang empleyado papapasukin pa rin!! hays
UPDATE: Nakakuha na ko ng NBI Clearance ngayon August 20. Akala ko itutuloy tuloy na nila hanggang byernes (holiday). Buti naman at nahiya jusq.
Need ko pumunta sa NBI Main for quality control.