OA lang ba ako? na tinapos ko agad, o tama lang na nag-evacuate na ako bago pa ako mabaliw sa setup nila dati at ngayon?
Hello! 22F here, share ko lang itong 2-week premium trial ng panliligaw na naranasan ko. Akala ko talaga rom-com na ang buhay ko, plot twist—charity work pala ang peg ni kuya niyo.
Na-reto sa akin si “Chess” (21M, fake name). Sobrang ma-humor at asikaso nya nung nagkakilala kami, kaya halos nagustuhan ko na sya. Pero habang nagkaka-kwentuhan kasama ang tropa nung nagkasama-sama, nag kwento sya na may pinatulan siyang babae before—ang Manager nilang si “Jade” (31F, fake name).
Teh, hold your breath sa plot twist: Si Jade may 10-year age gap sa kaniya, may tatlong anak (dalawa sa una, isa sa pangalawa na LIP nya ngayon). Ang rason kung bakit niya pinatulan? NAAWA DAW SIYA. Kulang daw kasi sa atensyon si Manager sa kanyang LIP, kaya si Chess ang nagpuno ng pagkukulang tuwing nadadestino sa ibang branch 'yung asawa.
2 months silang ganon ang set up, nag bo-bonding din sila minsan tuwing nasa work na yung LIP ni manager kaya hindi sila nahuhuli after work.
Actually, akala ko tapos na sila nung pumasok ako sa eksena dahil sabi nya naman tinigil na nya yung ganong set up. Kasi komportable naman na sya ikwento yung dati nyang sitwasyon na akala ko wala na talaga. Pero heto ang matindi: Nalaman ni Manager Jade na may nililigawan si Chess. Ang hirit ba naman ni Manager nung nagkausap sila—OKAY LANG DAW NA MAY IBA SI CHESS, BASTA HUWAG LANG DAW TITIGIL YUNG KUNG ANONG MERON SILA.
Ang finishing plot twist: Biglang nanlamig sa akin si Chess. Nalaman ko na lang, magka-duty na sila ulit same time at parehong pang-umaga, tapos palihim pang uminom silang dalawa nung Tuesday.
Dito na ako natauhan at tinantanan ko na talaga. Hindi ko ma-gets bakit sa edad niyang 21, ambisyon niya maging third-choice substitute father.
OA ba ako na nag-evacuate agad at tinantanan siya, o tama lang na tumakbo ako bago pa ako maging side character sa affair nila?
+++ may mga dump daw na nag ta-try mag reach out before kay LIP at ina-aware na may kalaguyo si manager sa branch na yon pero hindi ko alam if pinapaniwalaan ba ni LIP.