hello, r/g/o reviewees
hello sa mga students sa rc na 'to, i know malaki ang auditorium but plspls mind your voice while the lecturer is discussing the important topics. nakaka-distract kaya 'yung every sentence na sasabihin ng lecturer uulit-ulitin pa na i-enunciate ng nakikinig. tama, p'wede naman ako lumipat ng seat pero kasi hindi lang naman ako ang naaapektuhan, marami tayong nagfo-focus makinig for boards— hindi kami ang mag-aadjust sa kaingayan niyo.
shoutout dun sa naka-plain green na lanyard, walang school na nakalagay pero alam mo na kung sino ka. tinitingnan ka na ng mga nasa harap at gilid mo pero hindi ka pa rin tumitigil sa ingay. given na nagtatanong for clarification 'yung buddy mo pero sana naman pakihinaan 'yung boses habang ine-explain mo sa kaniya 'yung concept kasi nag-iinterfere sa lecturer at nadi-distract 'yung ibang students.
also kapag tapos na kayo magsagot ng drills, 'wag naman sana makipagdaldalan muna sa katabi kasi marami pang nagsasagot.
baka sabihin niyo, "sana nag-homebased ka na lang" 'di niyo ba 'ko gets, nagbayad tayo rito para mag-lock in sa pagre-review.