u/One_Huckleberry_8337

[UPD] Math 21 - Marc Russel Arcedera

Ang swerte mo kapag nakuha mo sya for Math 2x. Ibibigay nya talaga lahat sa abot ng makakaya nya para pumasa kayo. Magaling magturo at nasisimplify nya yung complex concepts na mas maiintindihan lalo ng students. Sobrang generous din nya sa partial points at sa seatwork points. Nonchalant lang yan si sir pero ang bait, considerate, at lenient nyan. Sya na rin mismo nagsabi samin na ayaw nyang may bumagsak samin at sana hindi nya na kami makita sa Math 21 ulit. If ever man makuha nyo sya sa mga susunod na sem, all you need to know is that you’re in good hands. Super vouch!

reddit.com
u/One_Huckleberry_8337 — 5 days ago
▲ 145 r/peyups

[UPD] Have some shame.

So apparently merong student sa CAL na proud na proud sabihing wala silang ginawa sa NSTP at hindi pumapasok pero nag graduation ngayon. Last week pa namin narinig yung tungkol dyan pero di namin masyado pinansin. Oo nakakagalit at ang unfair para samin at mga kagaya namin na nagsisipag pumasok sa NSTP pero naisip namin na baka may dahilan sila kahit ayon sa chika e puro gala lang naman daw tuwing araw ng NSTP.

Just this afternoon nagchat samin yung kacircle namin na taga Eduk. Kasama daw nila sa graduation yung mga taga CAL. Confirmed nga. Ang lalakas pa raw ng mga boses habang nagtsitsismisan. Tuwang tuwa pa raw sila na hindi sila naforce drp kahit ang dami ng absences nila. Sabi pa raw nung isa “sana pala dinamihan ko pa mga absent ko.” Kapal ng mukha. Nakakaproud yarn?

Sana mahiya naman kayo ano? Puro kayo “serve the people” pero simpleng NSTP hindi kayo makapagcommit. Proud na proud pa kayo na you got away with it. Samantalang kami every Monday/Saturday babad na babad sa initan at nagsisikap matapos talaga yung NSTP. 2 absences nga lang allowed samin kahit dapat 3 talaga e, kundi INC o singko ka agad kapag lumagpas ka dyan. Tsaka hiya nalang sana sa komunidad ano? Commit commit tayo sakanila at hihingin natin oras nila ng ilang buwan tapos hindi lang sila sisiputin. Ang kakapal ng mukha nyo nagagalit kayo. Proud na proud pa kayo sa kawalanghiyaan na yan. Ito yung mga taong active sa org and other extracurriculars pero pagdating ng groupwork laging MIA at pabigat.

reddit.com
u/One_Huckleberry_8337 — 1 month ago