Hindi ko pinagbuksan tita at tito ko sa bahay
After my dad died, I cut ties with all of my aunts (except for one na tumulong sa'kin magalaga sa dad ko.) The rest of my titas, either pupunta lang dito kasi baka may gamit pa daw ang daddy ko na pwedeng kanila nalang OR tatanungin ako kung anong gagawin ko sa bahay na sa mama ko nakapangalan. They want me to sell the house. Yung kapatid ni mama, kinausap na yung mga tita ko to stop bugging me about the house kasi hindi nila yun mabebenta, hindi ko ibebenta, wala silang makukuha dahil hindi kanila yon and besides, dito ako nakatira.
Kanina nagpunta yung tita ko, kasama asawa niya. They've been calling me and banging on the gate. Hindi ko pinagbuksan. I always keep my door and windows closed kahit may tao kasi my relatives (dad's side) tend to come uninvited. Pumunta pa sila sa kapitbahay to ask kung may nakatira pa dun. Narinig ko (via cctv) na sinabi nung kapitbahay na may nakatira pa, baka nasa work lang ako and bawal nila akyatin yung gate kasi trespassing na yun kahit kamaganak ko pa sila. Nagbabalak kasi tito ko na akyatin "to check on me" daw. Sabi ng kapitbahay, nakikita nila ako sa gabi and that I'm doing okay. Gusto talaga ng tito ko akyatin (may lahing magnanakaw kasi yun) kaya sabi ng kapitbahay, "sige akyatin mo para marecord ka sa cctv at mas madali ka mapapulis." That stopped him.
Alam ng mga kapitbahay ko na problematic ang dad's side of the family ko kaya sila na din nagpapaalis sa mga yun pag pumupunta dito. Sinasabi nila walang tao kahit alam nilang nandito ako. 😭
Grabe nakakastress.