Gigil ako ginawang rason yung pusa para magka AC
I might get downvoted for this, pero gigil ako dun sa sikat na furmom na laging sinasabi sa vlog na “init na init” daw yung pusa niya and gusto na ng aircon. As in paulit-ulit pa niyang pinapakita na naghihingalo na sa init yung cat, to the point na “amoy sinigang” na raw paa kakahiga sa initan. Kaya syempre naawa yung followers and may mga nag-ambag talaga para makabili siya ng AC.
Pero nashookt yung iba, hindi pala sa room ng pusa nilagay yung aircon sa salas ng bahay nila naka-install. Dun ako napa-“ha?” kasi kung talagang para sa pusa yun, bakit hindi sa area kung saan talaga nag-stay yung cat? Eh ang salas mas malawak, mas matagal pa lumamig at mas malaki kunsomo nun sa electricity bill nila.
Gets naman na kasama rin sa bahay yung alaga, pero ang dating kasi parang ginamit yung sympathy ng followers para mabili yung gusto nilang appliance. Lalo na’t unemployed yung furmom and mostly sa pagvvlog ng pusa siya kumikita. Kaya tuloy ang off tingnan kasi yung narrative lagi is “para sa pusa” pero yung setup parang hindi naman fully aligned dun. eh pag gabi sa room nman sila natutulog at hndi dun sa dining/salas nila.