Fair sweldo sa helper.
Hi, magkano kaya ang fair and enough na sweldo for a helper na tutulong mag alaga ng newborn and also some housework including cooking, some cleaning like magwalis walis and laundry? Ang bahay naman namin maintained clean so hindi necessary ang heavy cleaning, simpleng walis and konting mop lang. I'd be a stay at home mom din naman, so pwedeng ako mag alaga ng bata from time to time, also may MIL will be here so another mag aalaga din yun. Need ko lang assistance since I'll be a CS mom and may mga limitations sa paggalaw. Our location is in MIMAROPA, province talaga. Also sat and sunday off niya na and uwian sa gabi. Any insights will be helpful. Thank you.