Open ba ang banks sa Bunker bukas?

Since naka-alternative work arrangement ulit bukas at wala pa akong balitang may post ang BAIPHIL, open kaya ang banks sa Bunker bukas? Landbank and Veterans? Di pa kami nakakapagbayad ng withholding tax namin dahil sa panay walang pasok, pati other mandatory contrib 😭😭😭

Edit: kasi nakalagay naman sa announcement ng Malacañang na depende pa rin naman sa LGU yung pagpasok ng govt workers e

reddit.com
u/PrizeBar2991 — 2 days ago

Halagang 168, ini-scam pa

Not gonna blur or cover his name para na rin sa awareness ng iba.

​

TLDR: I WAS HUNGRY, ORDERED FOOD. KULANG ANG DINELIVER, DAMING PALUSOT NG RIDER. BAKA MAY ALAM PA KAYONG IBANG MIDNIGHT DELIVERY RIDER DYAN?

​

Hatinggabi na ako nagising at naisip kong mag-order ng pagkain online. E since nag-order na pala yung friend ko para sa akin, sya na rin ang pina-order ko ng food para dito sa bahay, tinransfer ko na lang sa kanya ang bayad para isa na lang ang kakausapin ng rider (Bataan Rider Delivery / Daily Rides PH)

​

Ang order sa Mcdo:

3 2pcs ala king w/ 1 rice + coke float

2 choco sundae

1 caramel sundae

1 shake shake fries (cheese)

​

Ang dumating sa akin:

2 2pcs ala king w/ 1 rice + coke float

2 choco sundae

1 shake shake fries (BBQ)

​

Sa isang malaking plastic, 1 ala king + shake shake fries then may plastic pang 1 for another ala king. Sa isang plastic, 2 sundae + 1 float. Another plastic for 1 float.

​

Sinabi ko dun sa friend ko na kulang ang dumating. Minessage din namin rider. Nagpupumilit na kumpleto raw yung ibinigay nya. E sa hindi nga kumpleto.

​

Ang nangyari kasi, may nauna syang in-order (2

1 ala king + float, 2 choco sundae, 1 shake shake fries), based sa sinend nyang resibo. Kaya kumbaga, bukod na order yung 2 ala king + float na natitira pa (na dapat ito yung nakabukod ang plastic, di ba), na hindi naman na nya sinend ang resibo.

​

Tinawagan ko yung rider since kilala naman na ako nun dahil ilang beses na rin sya nakapag-deliver sa akin. Ipinipilit nya na kumpleto. Hanggang sa sinabi nyang baka raw may dumampot sa tindahan nung huminto sya. Ang gigil ko talaga! Kasi napakalabong damputin ng iba yun kung huminto man sya sa tindahan kasi impossible namang di nya mapansin? At ano? Di nya chineck kung kumpleto ba ang dinala nya sa akin? Hanggang sa naging dahilan nya e nagmamadali raw syang umuwi dahil late na. Ang matindi pa, nung hinahanap sa kanya ang resibo, sabi nya nandun daw lahat ng resibo sa nawalang order. 😆😆😆 tangina, di ba? Magkaibang order pero yung dalawang resibo, nandun lang sa nawalang item lahat?

​

Sinabi nya sa akin sa call na dadalhin nya yung kulang na order, nang walang fee. Aba, dapat lang naman. Bandang huli, chinat nya yung friend ko na naniningil ng 168 para dun sa di nya dineliver sa akin, ang delivery fee na lang daw ang huwag bayaran. Tangina??? Kasalanan nya tapos sisingilin kami? Nagpapaawa pa na hindi na nga raw sya kumita e abunado pa sya sa akin. Hanggang sa wala raw syang pang-gas, wala raw syang dalang power bank, then sinabi nya na ibabalik na lang daw nya yung pera. Hanggang sa nag-maintenance daw si GCash (pero nung chineck ko, hindi naman), hanggang sa kulang daw yung pera nya sa GCash at wala syang mahiraman. Ako na lang din sumuko at sinabihan yung friend ko na kausap nya kanina na huwag na tanggapin yung perang ibabalik nya kasi kung gusto nyang ibalik yun, ginawa nya agad, di yung marami pa syang palusot.

​

Hindi ako okay nung nakaraang araw pa, tbh. I tried to kms twice in one day. Kaya nung kulang yung dumating na order tapos sinabayan pa nya ng kung ano-anong palusot, I lose it. Nag-iiyak ako, I even scratched my face sa galit, muntik pa ako madala sa ER due to hyperventilation. Naglulupasay talaga ako, kinakalma ako ni Mama by saying na bibili na lang kami mamaya. Kaso ang gusto ko nga is ngayon kainin. Kaya nga ako namili ng marami para tig-iisa kami. Nag-deactivate na nga ako sa Facebook kaso itong rider na ito, talagang manggugulang. Kanina ko lang din nalaman na nung time na nag-order yung friend ko para i-deliver sa akin e bukod sa doble-doble in-order nya, siningil nya twice yung friend ko ng DF kasi bumalik daw sya sa kanila dahil di nakakapag-reply agad yung friend ko dahil nasa work sya.

​

Oo, sasabihin maliit na halaga lang e nagkaganun ako. Pero alam nyo yon? Nagsisimula ako ulit e, after that incident nung nakaraang araw tapos ganito? Na nakilala mo ang ugali sa halagang 168. Buti rin sana kung hindi ko pinaghirapang kitain yung 168 na yun e.

​

Eto ako, umiiyak pa rin while typing this nang may mahapding mukha dahil nagalusan ako sa pagkakakalmot ko kanina at gutom. Tangina talaga ng mga taong nakikilala sa maliit na halaga. Binayaran naman sya nang tama tapos mananarantado sya, e maayos naman syang kinausap.

u/PrizeBar2991 — 2 months ago

Birthday giveaway ideas

Hello, mommies!

​

My baby's turning 2 na and I'm already planning on her giveaways since we'll not be having a birthday party, just a simple family celeb lang tapos magbigay na lang ako ng giveaways.

​

For additional info:

Binyag

- essential oil & scented candle kit, baptismal candle, coffee drip & walang kamatayang ref magnet for ninong & ninang

- ref magnet for the rest

​

1st birthday

- personalized pen & walang kamatayang ref magnet for ninong & ninang

- personalized chip bag for the bagets

- ref magnet for the rest

​

Ano pa kayang pwedeng ibigay as giveaway? Been thinking yung customized candies kaso parang ang boring naman kung yun lang ibibigay ko sa mga bata sa amin 😭😭😭 HAHAHAHAHAH

reddit.com
u/PrizeBar2991 — 2 months ago

Paano nyo napatigil/nabawasan milk intake ni baby before sleeping?

I had my daughter visit a dentist last week. LO's 22mos now. Isa sa advice ng dentist nya is bawasan na yung pagdede nya before sleeping. Na after nya dumede ay mag-brush na ng teeth hanggang sa matulog na sya. Ang nangyayari kasi is after dinner, maglilinis na sya & toothbrush tapos hihingi na sya milk.

Ang advice ng dentist is bawasan yung milk nya to the point na maging medyo matabang na sya or let her drink sa baso, na parang ang hirap if sa baso sya iinom since di naman nya rin kayang maubos agad.

Si LO kasi is malakas talaga sa milk lalo na sa gabi. Minsan 2-3 8oz bago sya matulog + 1 8oz sa pagtulog nya, bukod pa dun yung sa madaling araw or kapag naubos nya milk nya habang tulog. Hindi kasi talaga sya titigil kaka-request ng milk bago matulog. 😅

Thank you, mommies!

reddit.com
u/PrizeBar2991 — 3 months ago

walang ulam. this is not about ulam.

WFH ako at GY shift so understandable na tulog ako sa maghapon. Kaka-one month ko pa lang kaya masasabi kong nasa adjusting period pa rin ang katawan ko.

So ayun nga, pagkagising ko ngayong gabi, tinanong ko si Mama kung kumain na ba sila. Oo raw. Tinanong ko rin kung anong ulam, wala raw. Naki-fiesta raw sila ng kapatid ko at doon na kumain. Tinanong ko kung may inuwi ba sila. Wala raw dahil nakakahiya. Mag-ulam na lang daw ako ng itlog. Sinabi kong itlog na ang ulam ko kanina nung gumising ako ng hapon. Bakit daw yun ang inulam ko, e may inihaw na bangus naman daw, kalahati pa yun. Wala na kako natirang taba kahit isang kurot lang. Nainis sya kasi raw ginigising naman daw ako nung lunch pero hindi raw ako bumangon. Kasalanan ko kung bakit hindi ako nakakain ng taba ng bangus.

Sa inis ko, buti na lang may laman pa bank account ko at may pwede pang mag-deliver sa amin, nag-order ako ng pagkain ko. Kinwento ko rin sa friend ko yung nangyari, pinadalhan nya ako ng paborito kong Mcdo (baka mabasa mo to, super thank you 😭😭😭😭). Hindi ko na sana aayain kumain si Mama pero baka lalo lang sya mainis. Busog nga raw kasi sya kaya hindi rin naman sya nakikain.

Yung in-order kong porksilog, binigay ko na lang sa Tita ko at yung Mcdo ang kinain ko.

Hindi ako kumakain ng laman ng bangus bukod sa taba. Alam na alam naman nila yon.

reddit.com
u/PrizeBar2991 — 3 months ago

Hello, mommies! Ilang years na baby nyo nung nag-start kayo ng potty training? And paano kayo nag-start? Dapat ba may earliest age ang pag-start? Ano ba magandang bilhin? Yung may strairs ba para sa bowl na talaga sila or yung maliit na upuan lang muna?

Thank you!!!

reddit.com
u/PrizeBar2991 — 4 months ago