u/Pure_Buy_6703

[ADVICE NEEDED] Enrolled sa expensive AI cohort/mentorship para sa tuition ng anak ko, pero puro upsell at yabang lang. Denied refund, ano po legal options ko?
▲ 57 r/LegalPh+1 crossposts

[ADVICE NEEDED] Enrolled sa expensive AI cohort/mentorship para sa tuition ng anak ko, pero puro upsell at yabang lang. Denied refund, ano po legal options ko?

Throwaway acct lang po for obvious reasons. Hindi ko na muna papangalanan directly yung mentor/agency para sumunod sa rules ng sub, pero she’s a prominent AI speaker/consultant dito sa Pinas.

Im a woman in my early 50s. Kahit medyo may edad na ko, hindi naman ako outdated dahil matagal na din ako gumagamit ng ChatGPT at Claude sa work. Gusto ko lang talaga matutunan tong "vibe coding" at AI workflows para makatulong sa gastusin at pambayad sa college tuition ng anak ko.

Na-meet ko itong kilalang AI coach/agency founder sa isang tech event recently. Ang ganda ng pitch nya sa event—personal daw ituturo ang foundamentals, hands-on guidance, at aalalayan ang beginners step by step. Dahil pursigido akong matuto para sa pamilya ko, nag enroll ako sa cohort program nya at nagbayad din sa webinars. Sobrang mahal nya to be honest, pinaghirapan at pinag-ipunan ko talaga ung perang un.

Nung una parang ok naman, pero nitong mga nakaraang weeks nagbago talaga ang takbo:

  1. Puro pagbubuhat ng bangko: Halos 50% ng oras sa session napupunta sa pagkukwento nya tungkol sa connections nya sa government/DOST, personal achievements, at kung anu-ano pang stuffs imbes na mag focus sa hands-on technical walkthrough.
  2. Laging wala ung mismong mentor: Madalas syang absent sa live calls. Ipinapasa lang nya ang pagtuturo sa mga staff nya. Mababait naman ung assistants pero medyo tagilid pagdating sa pag sagot ng mga technical issues, halatang di pa gamay.
  3. Ginagawang sales pitch ang klase: Pag umaattend naman sya, mapapansin mo parang pilit na pilit ung pag-recruit at pag-upsell para dun sa upcoming paid AI events nya. Nagbayad na nga kami ng mahal para matuto tapos bebentahan pa ulit kami.
  4. Magulo ang activities: Walang maayos na structure ung exercises at materials. Hindi worth it sa binayad.

Narealize ko na sana pala inipon ko nalang yung money para binigay ko diretso sa anak ko for her school tuitions. Masakit sa loob kasi nagtiwala ako in good faith. Nag-reach out na ko formally to ask for a refund (kahit pro-rated na lang sana sa remaining classes), pero rejected agad at bawal daw mag refund.

Gusto ko lang po sana humingi ng payo sa mga nakaranas na ng ganitong online coaching / course dispute dito sa Pinas:

  • Pwede po ba to idulog sa DTI under misleading advertising / non-fulfillment of promised services?
  • May nakapag-try na ba mag-demand letter via lawyer sa mga ganitong digital coaches?

Frustrated lang talaga ako as a parent na nagsakripisyo para sa edukasyon ng anak. Maraming salamat po sa anumang gabay.

u/Pure_Buy_6703 — 11 days ago