u/Raia-Solei

Why Do New Wattpad Writers And Their Stories Sucks?

* Too Dramatic:
I noticed this most of the time. Siguro ang mindset nila is kapag nakakaiyak mas pag-uusapan or they will get the title of "The Most Painful Writer".

* Too many plot twist
More plot twist + More shocking moment = Mas pag-uusapan. Which is I think mali. Sa pagdami ng plot twist, sa paggulo ng storya. Dahil sa dami ng plot twist nawawala na sa totoong takbo ng story, na nagreresult pa sa may mga plot na hindi nasasagot.

*Too Erotic
This is really the new meta. Bed scenes helps to spice up the story, pero mostly sa mga story ngayon umiikot lang talag sya sa spg part. Kaunting sagutan, sex agad.

*Dark Romance
Everyone labels it as dark romance to justify abuse. But keep in mind that just because the Ml hit the Fl, it does not automatically make it dark romance. That's not what dark romance is, it has specific elements that make it one.

*Too long
May word count ba sa wattpad? na you will only be able to save and post the chapter if nahit ang word count? Kasi there's a lot of wattpad stories na masyadong maraming sinasabi per chapter na hindi naman nakakatulong sa progress ng story. Masyadong mahaba, wala namang sense kaya nakakasawa.

*Reader pleaser
Sumusunod sila sa trend at gusto ng reader. So, it feels pilit ang story, hindi makita ang flow kasi hinihintay pa kung anong trend for readers and their reaction.

reddit.com
u/Raia-Solei — 3 days ago

Old Pinoy Film I Watched and My Thoughts About It.

I'm in my 20's now, before hindi ko trip mga ganitong film. Then lumalabas sya sa feed ko then it caught my attention. Disclaimer: Base lang lahat ito sa emosyon ko noong pinanood ko ang mga movie na ito.

Tanging Yaman - Napipikon din ako kay Danny, imagine black sheep, walang pangarap, gago at tarantado pero dahil sya ang peborit ni papa at mama abswelto sya. Sa lahat ng karakter si Art ang gusto ko, gets ko bakit ganun sya. Mukha syang mayabang, arogante at matapobre dahil sya ang pinakamayaman. Pero walang may favorite sa kanya. Gets ko pinanghuhugutan nya, alam kong mali sya, pero gets ko sya. Si Grace, para sa akin ang pinaka magandang halimbawa ng nagpadala sa bugso ng damdamin, nag-asawa ng hindi pinag-iisipan.

Hihintayin Kita sa Langit - Ang totoong biktima dito ay ang magkapatid na si Alan (Eric) at Sandra (Jackie) at bukod sa kuya ni Carmina (Dawn) sila rin ni Grabriel (Chard), parehong kupal. May pananagutan si Carmina sa asawa nya, tapos nakikipaglandian pa rin sya kay Gabriel. Tapos ito si Gabriel nagawa pa rin magpakasal kay Sandra para sa revenge. Pareho namang pure yung magkapatid sa nararamdaman nila para sa mga asawa nila. Kaya buti na lang parehong nategi si Carmina at Gabriel. Isa pa yung yaya, kunsintidor sa mga kabetchina. (Add: Pogi pala talaga si Richard Gomez noong kabataan nya. Pero yak sya today dahil sa mga action nya)

Kapag Langit Ang Humatol - Fave ko ito sa mga old movies na napanood ko recently. Ang panget lang ng ending for me, may subtle sign a nagkatuluyan si Florida (Vilma) and Hector (Richard). Hindi ko suportado pagkakatuluyan nila. Naawa rin ako ng sobra dito kay Florida, imagine pinahirapan mo at ginamit mo sa paghihigante ang anak na pinagluksaan mo at isa sa rason bakit gusto mong maghigante.

Esperanza: The Movie - Ang funny lang ng movie na ito kasi hindi nauubusan ng plot twist. Pero hindi ko talaga magets bakit kailangan ganun ang ending ni Cecille (Angelika). Siguro sobrang likot ng utak ng writer nito tapos andaming naiisip na plot twist kaya nilagay nya lahat.

reddit.com
u/Raia-Solei — 4 days ago

Which plot do you dislike or plot that doesn't make sense to you?

A lead character who is terminally ill. (Wala na bang iba? Yun na yun? very hindi pinag-isipan for me. It is giving 'lagay ko ito para sounds dramatic'. Then biglang gagaling or magpapakamatay din si other lead. Darling, no one could have done it better than She's Dating the Gangster.)

Fl and Ml breaks apart when another woman appears and claim that she is pregnant. Threatens the man that she will kill the unborn child unless he married her and breaks up with the Fl. (Duh! very stupid pwede naman ipaDNA and don't tell me pwedeng dayain ang DNA. Utak please! lalo na kung ang karakter ni Ml ay very rich.)

Miscommunication na walang kakwenta-kwenta tapos inabot ng taon bago makapagpaliwanag si FL/ML. Then isang usapan lang okay na agad sila. (Ganun ba kabobo karakter? Imagine bi-nuild ni author na super strong ng relasyon ng lead. Then makikita lang ni Fl na kausap ni ml then makikita nyang kiniss ni ex si ml nya. Tapos di na nya hinayaang magpaliwanag, then after years ng pagkikita nila at napag-usapan na si ex pala nag-initiate nung kiss, okay na ulit sila. Happy ending na)

I would rather read a plotless story or a drama-free one than this type of plot, which feels forced just to create drama or a climax.

reddit.com
u/Raia-Solei — 4 days ago
▲ 1.2k r/adultingph

A little advice from someone who sleeps better now.

A routine that helps me have a better sleep. You can try this also.

For context, may problema talaga ako sa pagtulog.

\* Late na ako makatulog or every night hindi talaga ako dinadapuan ng antok. Siguro around 2am na ako nakakatulog.

\* Every hour nagigising ako. Para umihi or naalimpungatan lang.

\* Parang laging kulang tulog ko.

\* Once magising ako di na ako nakakatulog most of the time.

Things I do before bedtime.

  1. 4hrs before bedtime ako kumakain. If goal ko is matulog ng 10pm by 6pm nakakain na dapat ako

  2. 3hrs before bedtime, nagwawalking ako ng 1hr and 30 squats daily. Sa neighborhood lang namin ko ito ginagawa

  3. Shower before magsleep basta maghugas ng katawan.

  4. Cutting sugar lalo na kapag gabi. Not totally down to 0 sugar pero minimal lang ang intake ko lalo na sa processed sugar.

  5. 2hrs before bedtime hindi na ako nainom ng water or uminom man kaunti na lang. Enough lang para dumampi sa lalamunan.

  6. Prayers (Lord, gabayan mo pagtulog ko)

What I noticed.

  1. Nauuna na alarm ko.

  2. Masarap tulog ko.

  3. May times pa rin na nagigising ako pero after 4hrs na or more sa oras na nakatulog ako. Unlike before every hr talaga nagigising ako.

  4. Malalim tulog ko. Unlike before kaunting kaluskos lang nagigising ako.

  5. Refreshing sa paggising. Parang kumpletong-kumpleto tulog ko.

Better sleep talaga ang makakatulong sayo para maging productive or active sa umaga.

reddit.com
u/Raia-Solei — 13 days ago