Co workers calling me out for being early, clocking out on time and lunchtime shenanigans
Hello, M25. I wont tell you so much about what I do kasi baka nagbabasa sila dito. Ito ang description ko:
3 years na ko dito sa work na to at Isa akong tipo ng empleyado na maagang pumapasok kasi ayoko ng nalelate at 5 minute walk lang naman ako from office. On time din nagoout kasi may iba pa kong pinagkakaabalahan sa buhay gaya ng pagGym at pagTakbo, and since 5 minute walk from office lang ako, umuuwi ako pag lunchtime na di naman bayad para makapagpahinga man lang, matulog kung kinakailangan. Maayos naman magtrabaho, consistent ang weekly at monthly reports.
Pero bakit nacacall out ako sa mga bagay na yan? And the reason is kung bakit nila ako cinacall out dahil dapat daw di ako umaalis sa loob ng office namin baka daw may maghanap sakin? So ako bawal, kayo pwede?
Galing pa sa mga taong madalas nalelate, yung tipong isang late na lang sa isang buwan may memo na from HR. Tapos late na nga, bibili pa ng breakfast sa labas na minsan umaabot ng 10am, wala pa sa office, Natutulog sa office ng alanghaning oras at too many too mention pa.
Naging issue din pala ang pagpapalit ng schedule ko ng mas maaga na di ko naman choice at mali ng HR kasi since maaga ako pumapasok inassume nyo na yun na ang schedule na ipapalit ko. Nagadjust na lang ako. Kasi atleast mas maaga ako makakauwi at makakapagwork out. Tapos makakarinig ako ng wala naman ganyan schedule dapat nagadjust lang sakin?
Ano ba? Insecure ba kayo sakin? Natatakot ba kayong malamangan? Ito lang ako oh. Natethreaten ba kayo sa credentials at work habits ko? Pinarinig nyo pa talaga sa manager para ano? Maging masama ako sa paningin niya?
Di ko kayo cinacall out sa mga habits nyo pero wagas kayo kung makapagsalita pag ako?
Ipokrito ata.