u/Significant-Rip-2670

▲ 26 r/negosyo+2 crossposts

Awareness para hindi matulad sa akin na literal na nabudol sa tindahan ko

Recently, na budol ako ng ng nagpanggap na customer sa aming tindahan.

Yung customer kuno, volume order yung inquiry at hinanap ako na owner sa staff kasi kapitbahay ko raw at gusto mag-hello.

Lumabas naman ako kasi marami nga naman kaming neighbors na customer.

Paglabas ko, hindi ko kakilala at nagpakilala na Architect na may malaking project.

Friendly siya at may mga sinasabing mga business niya hanggang sa pinapunta ako sa likod ng kotse niya para tingnan ko raw yung mga sugar free brownies na tinda niya.

Tiningnan ko pero tumanggi ako bumili kasi diabetic ako pero inabot niya sakin yung 5 box ng brownies. Wala na rin akong nagawa kaya tinanong ko kung magkano. Overpriced ang presyo. Total 3,000 lahat pero for some reason nagbayad ako.

Lesson ko ay bawal bumili sa vendors sa tindahan ko kahit sino pa. Hindi na rin ako lumabas nakikipag usap kung sakali may maghanap sa akin. Ako ang magschedule kung gusto ko sila harapin sa labas. Ayun lang. Ingat tayo. Kahit anong ingat at nakakalusot pa rin ang mga mapanlinlang.

reddit.com
u/Significant-Rip-2670 — 2 days ago