Right Person
How I realized na nasa tamang tao nako?
Growing up, hindi talaga ako yung tipong feminine. How I act and dress lagi akong nasasabihang tomboy/tibo, there's nothing wrong about it. Pero lagi akong inaasar ng mga tao sa paligid ko just because I don't behave like a girly girl. Minsan nga until now, nasasabihan pa din akong umayos mag lakad kasi para kong mananapak(?) di ko alam pero ganon talaga ko naturally, tapos pag may naka puna nacoconscious nako. Nung nag dalaga nako, I tried my best na mas maging soft haha. I tried wearing skirt or dresses more often. Pero di talaga ko kumportable. Even ung uniform ko nung college puro pants suot ko, kaya nagalit ung nanay ko kasi bumili pa sya ng skirt na set di ko naman pala ginagamit. Meron akong High School sweetheart na naging bf from college gang nag work ako. He often reminds me to wear dress or "something nice" kada lalabas kami. When he says something nice, meaning nya mag skirt ako or dress para naman daw mag mukha akong babae. Nung una dedma pa ako, kasi inlove eh lol. But nung tumagal kami mas napapadalas na ung mga backhanded compliments nya. "Maganda naman pag naka dress ka, di ka mukhang maskulado", "bagay naman sayo pink, nag mumukha kang babae" By the way, I'm a medium size girly. Malaman akong babae and medyo my height. Kaya pag mag kasama kami ng EX-BF ko before halos mag kasing height kami. Hindi baga yung tipong petite girly ang auntie ninyo. I hide that insecurity before kasi mahal ko eh, tanga. Haha kahit harap harapang iniinsulto keri lang. Fast forward, nag hiwalay kami kasi nag cheat sya.
Now, I am married to a kind and emotionally intelligent man. I still dress and act most of the times as "tomboy" ewan ko medyo hirap talaga ako iadjust na mas maging feminine. Nung nag ddate pa lang kami napansin nya na, uncomfortable ako sa dress na suot ko nung nag mall kami. He asked why I wore it. Sabi ko para I look nice kasi lumabas kami. Tapos he casually said na "you look pretty whatever clothes you wear. Kaya next time isuot mo yung saan ka kumportable"
Mej nagulat ako kasi I never heard that before. Mas lagi kong naririnig yung "para ka nanamang tomboy"
I love wearing big shirts and pants/jorts btw. Tapos white sneakers. Since that conversation, I never forced myself to wear anything na di ako comfortable. Minsan naka crocs pa ko pag nag ddate kami, pag alam kong di naman sa sobrang formal na restau kami kakain.
Lagi nya kong chinicheer pag nag papa short hair ako "ahhh ang pretty naman!" Kahit di naman talaga bagay sakin short hair, ayoko lang talaga nag papahaba ng buhok.
He once told me na mas gusto nya din sakin na mahaba ang hair, PERO "your body, your choice. Do whatever makes you feel YOU"
🥹🥹
Ever since then, until now na kasal na kami. He never fails to compliment me or sabihin "ang pretty ng asawa ko!" Kahit kagigising ko lang sa umaga at mukhang nabinat na kambing haha.
Thank you Lord for giving me my husband ❤️