
Sana pumaldo lahat ng masisipag na nanay sa mundo
While working sa coffee shop kanina napansin ko tong batang to na nanood sa phone. Kako baka may hinihintay lang at mabilis lang siya dun. Nagtagal ako ng 2-3 hrs sa coffee shop pero nandun pa rin siya. Instinct kicked in na lapitan yung bata kasi baka naliligaw o nawawala siya. Sabi niya, nagwwork daw yung mommy niya sa katabing hardware store at bawal daw siyang makita ni Ma’am (pertaining to her mom’s boss). Sobrang nalungkot ako. Hindi ko naman siya pwedeng bigyan ng pagkain (safety reasons) at hindi ko rin naman siya pwedeng ayain sumama sakin para ako na lang magbantay pansamantala. Mukha na rin siyang inaantok. May baon siyang biskwit at gatas.
Ewan ko kung anong dahilan bakit sinama pa siya sa work. Baka walang mapag-iwanan o ano. At sobrang gets ko na need magtrabaho. Pero sana wag natin icompromise ang safety at comfort ng mga bata huhu.
Stayed for a couple more hours para mabantayan yung bata. Pero need ko na rin umuwi. Kaya binilin ko na lang sa malapit na guard at sabi naman nung guard ttignan tignan daw niya yung bata.
Sana pumaldo lahat ng masisipag na nanay sa mundo para wala nang batang makaranas ng ganito.