Lahat na lang content
Habang tumatanda ako, mas vinavalue ko yung privacy ko and hindi ko na talaga hilig magshare sa social media. Sa totoo lang, ayoko na pinopost pictures ko sa social media kaso anghihilig ng friends ko na magpost bawat ganap, and kadalasan nasa Reels pa na public. Ayoko talaga nasasama sa mga ganun kaso kj naman kung sasabihin kong ayaw ko sumali sa pics/video.
So ayun. Nakakapagod na din talaga yung content creator culture ngayon kasi lahat na lang gusto gawing content yung regular moments na sana private lang. Tapos lagi na lang gustong may gayahing viral na video, mga ganern. Pasalamat na din siguro ako na walang naglalive sa amin.
Ayun lang, rant lang kasi naglabasan na naman mga edited videos ng recent hangout namin.