u/SuspiciousPotato4435

Thoughts: just wanted to share

Just a random thought habang nakatambay mag-isa.

Napansin ko lang na ang daming senior citizens na tumatambay sa McDonald's at Dunkin'. Wala naman akong against doon—na-observe ko lang talaga.

Sa McDo, lalo na kapag umaga, parang may regular meetup sila. Magkakape, magkukwentuhan, tapos minsan alam na agad ng mga crew na kailangan nila ng newspaper o sila pa mismo ang naghahanap para sa kanila.

Sa Dunkin' naman, ganun din. Ang saya lang pakinggan at panoorin na sobrang kwentuhan sila, parang wala talagang nauubusan ng topic.

Ayun lang. Just sharing this random observation.

reddit.com
u/SuspiciousPotato4435 — 2 days ago

Alone for some peace and quiet.

Finally, rest day na rin. 😌

After kong matapos lahat ng chores sa bahay, nag-decide akong maglakad papuntang nearby Dunkin. Mga 15–20 minutes din ang lakad. Hehe, nagtitipid muna.

Nakatira pa rin ako sa bahay ng parents ko kasama ang mga kapatid ko. Sa amin, ako yung mahilig mag-coffee shop, at ng mag-isa. Tuwing sasabihin kong magka-coffee shop lang ako, laging may tanong na, "Sino kasamamo? Mag-isa ka lang? Bakit? Pwede namang bumili na lang ng kape sa tindahan."

Totoo naman. Pero hindi lang naman yung kape ang pinupunta ko. Bonus na yung may aircon (ang init kaya 😅), tapos iba rin talaga yung environment. Nakakatulong siyang pangtanggal ng stress, at ang sarap lang ng feeling na may konting peace and quiet habang umiinom ng kape o nag-iisip.

Wala lang, gusto ko lang i-share. Ako lang ba yung ganito? May iba rin ba rito na mas gusto talagang mag-coffee shop mag-isa?

u/SuspiciousPotato4435 — 2 days ago