Deportation

Hello po. May kilala po ba kayo na nadeport previously sa UAE due to residency violation? Gaano po kaya katagal yung process? Nacheck po kasi yung father ko and nahuli nung Apr 28 pa, pero wala pa rin akong balita kung anong status na ba. Baka po may kakilala kayo or may idea kayo gaano katagal?

reddit.com
u/Sweaty_Status_3504 — 4 days ago

Father’s day

Hello. Belated Happy Father’s Day sa lahat ng tatay.

This Father’s Day has been really hard for me. It’s been almost two months since the last time nakausap ko si Papa.
More than 10 years na siyang nagtatrabaho sa UAE. Hindi naging madali ang buhay namin. Close kami before pero dahil sa mga ilang misunderstandings, mejo napalayo, pero nag-uusap pa rin kami from time to time.

May tampo ako sa kanya. Ilang taon na rin kasi siyang hindi nakakapagsuporta sa amin. Since nag-start akong magtrabaho, kami na lang ni Mama ang sumalo ng lahat ng expenses, bahay, tuition ng kapatid ko, baon, at iba pang gastusin. Alam kong hindi rin naging madali ang buhay niya sa UAE. Siguro marami rin siyang utang at sariling pinagdadaanan, kaya pinili ko na lang siyang intindihin.

Noong April 28, iyon ang huli naming usap. Sabi niya gusto na niyang umuwi kasi wala na siyang visa at mahigpit na raw dun. He had been overstaying for almost two years. Pinapauwi ko na rin sya nun, sabe ko kahit ako na lang gumastos pang asikaso nya at ticket nya. Pero pinigilan daw siya ng employer niya kasi aayusin na raw ang papers niya. Unfortunately, naunahan siya ng checking.

Buong May, wala kaming balita sa kanya. I kept telling myself na baka sira lang ang phone niya. I waited hanggang June, hoping na magpaparamdam siya, pero wala pa rin.

That’s when we started reaching out to his friends on Facebook. Doon namin nalaman na nakakulong na pala siya.

Ngayon, we were informed na nasa deportation process na siya. Pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming idea kung anong stage na siya o kung kailan siya makakauwi.
I’ve tried everything. Lumapit na ako sa OWWA, DMW, Philippine Embassy, at kahit sa mga senador. But in the end, pare-pareho lang ang sagot, kailangan lang naming maghintay habang ginagawa ng UAE authorities ang proseso.

Ang hirap pala ng feeling na gusto mong tumulong pero wala kang magawa, nasanay na rin kasi akong gumagawa ng solusyon, pero ngayon, wa efek.

This Father’s Day, I couldn’t help but feel sad and guilty. Noong huli kasi siyang umuwi ng Pilipinas, isa ako sa mga nag-encourage sa kanya na bumalik ulit sa UAE para magtrabaho. Akala ko iyon ang magiging mas magandang decision para sa kanya at sa family namin. Pero wala, malas.

Share ko lang. Napapanaginipan ko na kasi.

reddit.com
u/Sweaty_Status_3504 — 10 days ago

Seeking for help

For context, we found out na nakakulong yung father ko. Nalaman lang namin sa pagtatanong sa mga friends nya sa facebook. He was not able to reach for a month now. Possible cause is due to overstay. Namessage ko na lahat, owwa, embassy, dmw. Pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Naiisip ko na na pumunta dun from pinas. Pero first out of country ko if ever. So here are my questions, if anyone can answer pls pls we badly need some answers. Sa Abu Dhabi po sya.

-Saan nila usually dinedetain yung mga for deportation? Okay ba yung mga detention don? Nag aalala kasi kami sa wellfare nya.

- If pupunta ako dun para di sya panghinaan ng loob kung sakali, pwede ba magvisit sa detention facility?

- Hindi rin ba ako maqquestion kung kukuha ako ng visit visa? May work ako, associate sa financial industry, earning 75k per month. Would that be enough as a tie to ph?

- Gaano katagal usually yung detention bago mapauwi?

Salamat po. Sana po may makasagot po.

reddit.com
u/Sweaty_Status_3504 — 25 days ago

Advise needed

For context, we found out na nakakulong yung father ko. Nalaman lang namin sa pagtatanong sa mga friends nya sa facebook. Sa abu dhabi sya. He was not able to reach for a month now. Possible cause is due to overstay. Namessage ko na lahat, owwa, embassy, dmw. Pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Naiisip ko na na pumunta dun from pinas. Pero first out of country ko if ever. So here are my questions, if anyone can answer pls pls we badly need some answers.

-Saan nila usually dinedetain yung mga for deportation? Okay ba yung mga detention don? Nag aalala kasi kami sa wellfare nya.

- If pupunta ako dun para di sya panghinaan ng loob kung sakali, pwede ba magvisit sa detention facility?

- Hindi rin ba ako maqquestion kung kukuha ako ng visit visa? May work ako, associate sa financial industry, earning 75k per month. Would that be enough as a tie to ph?

- Gaano katagal usually yung detention bago mapauwi?

Salamat po. Sana po may makasagot po.

reddit.com
u/Sweaty_Status_3504 — 25 days ago