u/ThelostG-Raian1743

Jonaxx and her problematic books

I will surely be label as one of her cult. Pero ang nonsense ng discussion kapag nilalabel nyo ang ka-argue nyo.

Criticism from some readers or non-reader= hate

Giving thoughts questioning the criticsim = kulto/panatiko.

Same same lang dapat. Kung ayaw nyong malabel as hater, stop labeling anyone as a fan or cult. Nawawala yung reason for discussion.

Even most of her readers naman tanggap na may concerning and problematic part ang book nya. Totoo, from age-gap, abuse, power dynamics and other concerning part. Even sa mga recent books nya. Meron paring concerning part.

Pero gets ko mga fans nya bakit yung iba tine-take as hate yung ilang post. It has been years, out of her more than 60 published books. Yung mga sinaunang book nya pa rin ang napapansin. Reason? It is still relevant. Open pa rin sa market. May point. As long as available pa rin sa market, subject pa rin sya ng criticism.

Pero hindi lang sya ang may book na may concerning parts. Pero weekly, monthly sya lang ang binabato nito. Bakit? Hate it or love it, super relevant ni Jonaxx. Sya ang may pinakamalawak na reach ng reader. Ask 10 people na gumagamit ng wattpad, 9 dyan kilala sya. Hindi man nababasa pa ang book nya, pero kilala sya.

CC, MAKI, JFSTORIES, BEEYOTCH, RAINBOWCOLOREDMINDED, AKANEXX, RACEDARWIN, some of the OG authors. Lahat sila may mga book na open pa rin sa market. Some of those books may mga problematic and concerning contents. Pero wala kang makikita na weekly or minsan daily na magpopoint nun. Don't start me sa, "Hindi naman kasi katulad ng fan ni Joanxx na hindi makatanggap". No! May dalawang klase ng reader lahat ng author. Isang hindi makatanggap at isang open sa discussion. Paminsan-minsan merong nasisita sa kanila, pero hindi kasing dalas ng kay Jonaxx.

Ito ang napapansin ko kung bakit may readers pa rin syang naiinis sa mga ganung topic.

  1. Sobrang tagal na. Sobrang dami na nyang nagawa.

  2. Hindi lang sya ang may ganun.

  3. Nila-label agad syang romanticizing yung ganun and jinajudge pagkatao nya pati na rin reader nya. ('Wag kayong tumanggi dito. Madami akong nakitang ganito).

Hindi lahat ng criticism ay attack. Hindi lahat ng sumagot sa criticism ay defensive or hindi makatanggap. Pwede rin bang stop nyo yung ijajudge nyo agad lahat ng nagbabasa ng books nya. Kapag may contents about her automatic hate commengs agad from her readers. Nakakawala ng gana sa discussion yung ganun. Nagmumukha kayong sarado nag pag-iisip. A post should be open for discussion. Hindi yung ililimit nyo agad na puputaktihin ng hate comments.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 5 days ago

Thoughts sa mga OG writer?

Dalawa na lang sinusubaybayan ko. Yung iba kasi umalis na MIA.

Jfstories - Feel na feel mo talaga yung chills sa mga horror story nya. Parang ang hirap umihi kapag 3am.
Jonaxx - buti tapos na sya sa mga concerning age gap. Love her Teen fic and adult fic na walang bedscene. Team Dylis Forever.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 5 days ago

Book vs Book

Have you ever liked a book so much that you felt pissed off when you found a cheap copy of it?

Same magkaiba lang ng wordings pero same thought. Lalo na yung pinaka-importanteng details, magkapareho talaga. Mapapasabi ka na lang ng, "Same book, different character name."

Alam ko naman na halos same same na lang ng takbo ng story ngayon. Pero iba kasi yung yun ang meta at kinopya lang.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 5 days ago

Reintold and her fans is so weird.

Alam nyo bakit nasanay ng ganyan si Rein, Issue, aalis, change name then repeat? Kasi grabe sya itolerate ng fans nya. Hindi sya nagkaka-character development kasi alam nyang meron at merong fans na susupport pa rin sa kanya. Kaya ang isa sa may pinakarason bakit hindi natututo si Rein ay dahil sa fans nya. Mga taong nasa paligid nya. Wala ba syang friend or anyone na malapit sa kanya na matinong mag-isip? Or sya mismo ineenjoy yung ganito? Hindi naman basta lang mga issue nya na pwedeng palampasin.

  1. Misogynistic.

  2. Objectifying Women.

  3. AI user.

  4. Male being a trophy para sa Fl.

  5. R and abused sa content ng book.

  6. Using someone's grief for personal gain.

  7. Bad behavior

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 7 days ago

Are Filipino Wattpad authors becoming more creative, or are we just seeing the same plots and tropes rewritten with different characters?

Sinong author or may mga bagong author ba na hindi sumusunod ngayon sa mga usong plot? Pinakacreative na author when it comes to plot? Or may mga mindblowing twist.

Kasi ngayon parang same same na lang sila ng takbo ng story. Lalo na yung isang series na nakita ko. Pinagtagpi-tapi lang yung mga scene sa iba't-ibang story para makabuo ng isang story.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 7 days ago

LIB and Summit

Mas maraming sikat na author ang under kay LIB compare kay Summit, pansin ko lang. Pero in terms of quality mas okay for me ang kay Summit.

May mga books akong from LIB and Summit. Pero si Summit hindi sya kailangan ng TLC. Kahit years na mas maganda pa rin book ko compare sa nabili ko kay LIB.

Sa price naman hindi ganun nagkakalayo pero pareho may pagkaexpensive (not all). Madaling nag tan ang paper ni LIB.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 8 days ago

Books and how I feel about them.

  1. Gut Wrenching

Audrey Cordova (BFP) by Rainbowcoloredmind - hindi ko talaga gusto nangyari kay Audrey. Sya ang sumalo sa katarantaduhan ng tatay nya sa nanay nya. Sobrang bigat at sakit ng story nya. Sobrang ganda na, sobrang sakit.

  1. Entertaining/Enjoyable

Light a Candle by Jonaxx - ang chill lang ng story nito. Hindi ko nga alam kailan at paano nahulog si Janis kay Dylan. Hanggang sa natapos ko sya na hindi ko napapansin kasi sobrang kalma lang ng story. Ganito yung feeling ko noong unang beses akong nagbasa ng wattpad. I love Janis.

  1. Infuriating

Dating Alys Perez by Beeyotch - May nabasa ako, ang kailangan daw ni Alys ay therapy at hindi lalaki. Hindi ko magets pinaglalaban ni Alys. Wala namang best boy sa dalawa. Parang di kakayanin kapag walang lalaki.

  1. What a shame (sayang)

Could have been but never was by Inksteady. Sayang! Super sayang! Ang ganda ng build up. Nahook na ako eh. Tapos ganun. Sana mabalik pa rin.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 8 days ago

Book review.

Ang review ba at constructive criticism ay valid kung hindi nabasa ang libro? Madalas akong makaencounter ng ganito. They hate the book to the core. Marami silang sinasabi na hatred or hinanakit sa book. Then, they will tell you na they haven't read the book. Only the spoiler from socmed and other. Okay kung at least naread yung half or first chapters ng book. Iba kasi yung alam mo yung takbo ng story sa nakita mo lang yung ilang spoiler ng book.

Nagkaroon na kasi before ng ganito. Sa Possessive Series, tumatak na sa isip ko na pure bedscene and kaerbogan yung story. Kasi yun yung nakikita ko na mga spoiler. Until nabasa ko yung Desiring Her ni CC. Hindi under ng PS pero nagustuhan ko kasi yung writing and paano nya pinatakbo yung story. Then triny ko PS hindi naman pala puro kaerbogan.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 9 days ago

Plot that is no longer appealing to you?

Love triangle.

2 girls fighting for one man. May ibang babaeng involve tapos yung ml may mga times na pabor sya doon sa isang babae. Confuse si Ml kung sinong papaburan lagi sa dalawa. Like "kailangan kasi ako ni ano, pasensya na".

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 9 days ago

Thought sa paid book/story?

​

I get it okay. Wala tayong reason magdemand kung kailan mag-update ang author. Kung okay or hindi okay ang update nya. Hindi natin sila pinapasahod. Wala silang utang sa atin.

Pero how about sa mga story na binabayaran mo? VIP, Subscription and such? Pwede bang magdemand? Tbh, napipikon ako kapag nagbayad ako tapos less than 3 update lang update sa isang buwan. Tapos ang update pa mema update lang. Okay na ito. Pwede na ito. Ang mahalaga may update. Kasi nafefeel mo naman kapag force yung update eh. Kapag walang sustansya yung update.

Bawal pa rin bang nagdemand ng maayos na serbisyo kapag bayad ka? Maliit or malaki man para sa iba ang binayad mo. The mere fact that you paid for that story, dapat maayos serbisyo.

Sa physical books? Kapag ang pangit din ng serbisyo. Quality tapos ang daming excess na nagpapamahal sa book. Pero wala kang choice kasi kapag binili mo yung book automatic kasama yun. Paano naman yung iba na book lang talaga ang gusto? You will pay for this amount kasi may mga inclussion na hindi optional.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 10 days ago

Umiikot talaga ang mundo.

20 years ago, meron kaming kapitbahay na matapobre. Gustong gusto nya na sinasampal sa tao na sya ang pinakamayaman sa lugar namin. Totoo naman, meron silang magarang bahay at kotse. Kaedad ko ang anak nya, langit at lupa talaga ang pagitan namin.

Hindi naman kami hirap na hirap sa buhay kasi masipag ang mama ko. Kahit papaano magaan ang buhay namin pero compare sa kanila dukha kami. Ganun kalayo ang pagitan ng buhay namin. Mababa tingin nya sa mama ko. Lagi nyang pinapamukha na mababa lang kami. Maliit lang mama ko compare sa kanila.

After 20 years, may bonggang ganap sa bahay namin at sya ang tagahugas ni mama. Wala na ang magarang kotse nila at nakikitira na lang din sila.

Hindi naman sya kinawawa. Sya ang nagpresinta na sya na ang maghuhugas at binayaran na lang sya ni mama. Hindi lang pala sa telenovela ito nangyayari. Masaya ba ako sa nangyari sa buhay nila? Hindi. Pero masaya ako na hindi na maliit tingin nila sa mama ko.

reddit.com
u/ThelostG-Raian1743 — 26 days ago