Should I look for another helper?
Hello! I'm a small online business and nung January this year ay naghire ako ng helper. Ang salary niya every day ay 600-700 pesos. Free lunch and meryenda ako nag-aasikaso at ligpit. Minsan nauuna ako matapos kumain pero naghuhugas ulit ako nung pinagkainan niya kasi iniiwanan niya lang. Di siya nagkukusa na hugasan kahit baso lang niya. Pinapauwian ko rin siya ng pagkain at mga gamit.
Lately lagi na siyang late at di nagsasabi agad kung di papasok. 10 am - 5 pm lang pasok niya sakin tapos on-call na duty since part-time job ito. 12noon - 1pm ay lunch break tapos 3:00 - 3:45 pm ay meryenda.
Hindi ko alam kung valid ba na minsan naiinis ako kasi gusto ko man lang sana ligpitin niya pinagkainan niya. 🥹.
Paano po kaya makakahanap ng maayos na helper? Thank you kung may makakapansin ng post ko.