at nag umpisa na nga — in laws prob
i have nothing against my in laws, in fact, sobrang grateful ako sakanila kasi sobrang maalaga sila saakin even before i was pregnant and until now. pero tama nga talaga yung karamihan na meron at merong magiging problem when you’re living with your in laws.
they don’t directly communicate saakin yung mga “ayaw” nilang gawin for my baby, e.g 1. ayaw nila paliguan. grabe, 2 weeks di naligo yung anak ko. tinakas lang namin ng asawa ko, and nung nalaman nila, nagalit. 2. since tuloy tuloy yung ulan, wala si mr. sun for almost 3 weeks and kanina lang pinaaraw ko si baby kasi may sinag ng araw. like what they briefed me sa nicu when i was at the hospital (take note, andun din MIL ko nung sinabi to) sabi sa’kin ni dra & sa nicu na hubaran si baby, diaper lang daw ang suot and ipaaraw for 30 mins. 15 mins each side. ngayon, nagagalit daw sila sa husband ko na “pabaya” raw kami sa apo nila.
eh kung tutuusin, mas maalaga pa ako sa anak ko kesa sakanila kasi every time na kinukuha nila si baby to sleep in their room, andun yung 3 dogs nila. walang air purifier, nagv-vacuum lang sila madalas, oo. pero still, may mga nakukuha akong hair ng dogs sa damit and face ni baby. ilang beses na.
since cs ako, ang reason nila is hahayaan lang daw muna akong mag recover kaya ayaw nila ako ma-overwork. pero yung decision namin ni husband na ayaw sana naming ma-expose si baby sa pets, hindi marespeto. we even gave our 2 cats temporarily sa mga kapatid ko para di ma-expose baby namin sa mga buhok tapos ganon lang din pala kahahantungan hahaha.
parang wala akong karapatan mag decide for my child. and parang wala ako karapatang magreklamo kasi simula’t sapul sila naman lahat nagbabayad. nakakainis lang kasi napaka-selective nila sa sinasabi nilang, “sa doctor tayo makinig” kasi kung ako na gumagawa ng mga sinasabi ng doctor, hindi na nila sinusunod