u/berrymatchaaaa

Nakakapagod Maging Panganay

Panganay ako sa tatlong magkakapatid, papa ko ay kargador and yung nanay ko suma-side line ng kahit anong work na makita niya. Recently naaksidente ang nanay ko at ang lakas ng impact nacomatose siya at hindi pa rin gising hanggang ngayon. Bilang panganay, kahit medyo malayo na ako sa kanila dahil may sarili na akong pamilya, bumyahe ako at inasikaso ang lahat. Yung pangalawa kong kapatid nakakatulong naman kahit papaano pero syempre iba pa rin pag ako daw yung nagaasikaso ng mga bagay bagay, yung bunso naman namin in shock at natatakot ako kasi feeling ko depressed siya sa situation namin ngayon. Yung tatay ko, kahit pinapakita niyang malakas siya sa harap namin, halatang nahihirapan talaga sa nangyari sa nanay ko. Nahihirapan ako ngayon, nasstress ako, nagawa ko nang magsinungaling ngayon dahil sa kinakailangan ko silang tulungan. Kahit malala yung mga problemang personal ko itinigil ko muna dahil naisip ko baka ako na lang kinakapitan nila habang hindi pa okay ang nanay namin, sabi din ng doktor na ilang buwan pa ang hihintayin bago makakita ng magandang progress sa nanay ko. Lagi akong mainitin ang ulo ngayon, konting bagay nagbuburst out na ko, hindi na rin ako makapagfunction ng maayos. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap maging panganay.

reddit.com
u/berrymatchaaaa — 21 hours ago

SKL 2026 is the worst year of my life

SKL na nabangga ang mama ko ng sasakyan na mabilis ang takbo at critical siya ngayon, comatose pa rin at namamaga ang utak, akala ko sa mga chinese drama or kdrama lang yung ganitong moment and as the eldest child hanggang ngayon hindi pa nagsisink in sakin lahat parang in shock pa rin ako kasi lahat ng tao sa paligid ko ay nagiiyakan or malungkot pero I feel like I'm dreaming. Feeling ko nasa simulation lang ako, anytime pwedeng mamatay yung mama ko pero di ko pa fully naipapaintindi sa sarili ko lahat ng nangyayari, para akong naka auto pilot na mag asikaso ng mga kailangan, check sa papa at mga kapatid bantay sa ospital bayad bills and everything. Tinatry ko matulog pero feeling ko kahit nakapikit ay gising pa rin yung diwa ko kaya ayun.... I wanna share this and take this off my chest. Thank you for reading this.

reddit.com
u/berrymatchaaaa — 3 days ago