BFRVTHAI at Cynthia Villar pinagutos na pagbawalan lumabas-pasok ang mga motor kahit may BFRV sticker sa gate ng BFRV malapit sa Cavite Bridge going NOMO
#OnTheSpot | Isang concerned BFRV resident ang nagpadala ng video conversation nila ng isang on-duty security guard ng BFRVTHAI na stationed sa Gate 11 Cavite Bridge - Onelia Jose.
Maririnig sa usapan na mismong ang security guard ng BFRVTHAI ang nagsabi na, "Bawal dumaan simula Lunes ang mga motor kahit resident."
Dagdag pa ng security guard, ang direktibang ito ay utos mula sa BF Resort Village TALON Homeowners Association Inc. (BFRVTHAI) at ni former Senator Cynthia Villar, na kasalukuyang nakatira din sa BF Resort Village at may ekta-ektaryang lupain sa likod mismo ng nasabing village.
Noong Lunes, June 22, ay sinimulang ipatupad ng BFRVTHAI ang naturang traffic scheme sa Gate 11 Cavite Bridge - Onelia Jose at Gate 10 Dear Joe Bridge - Vatican Drive. Ang mga gate na ito ay patungo sa dalawang tulay papuntang San Nicolas, Bacoor kung saan matatagpuan ang Villar Children's Farm at ang NOMO District ng Villar City na notorious din na ipinagbabawal ng pamilyang Villar na padaanin ang mga motorcycle, bicycle, at tricycle sa kanilang lupain kahit pa karamihan ng kalsada nila rito ay ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2018.