Im 43 and feels lost

Yes, 43(m) na ako at eto hindi pa rin alam ang gagawin. Lost a business 3 years ago, accumulated hundreds of thousands of payables and has no permanent job. Living with my senior parents at akoy umaasa sa paminsan minsang raket at paminsan minsang wfh online job. Ilang months na akong tambay, sending applications online pero wala pa rin. Worried? 100% pero kinakalman ko pa rin yung sarili trying to make ends meet. Sa ngayon, mairaos ko lang yung monthly bills, ok na muna. I pray hard na bigyan ako ni Lord ng sapat na lakas, the best health para habulin yung mga dapat habulin sa buhay. Wala daw deadline ang success, pero sa lagay ko, meron, meron,meron, akala mo lang wala!

reddit.com
u/brain_inthe_rain — 5 days ago

Kwentong Extra Rice

Siguro sa mga simpleng ulam nagsimula yung pagmamahal natin sa extra rice. Naalala ko yung mga panahon na pag konti at simple yung ulam, babawiin mo sa kanin pra mabusog at may lakas ka maghapon at para di ka mabilis gutumin. Maghahanda ng sawsawan para may dagdag pampalasa at panulak sa kanin.

Adulting o aging pero ang madalas na cravings ko ngayon ay mga simpleng pagkain. Parang automatic yatang naga-adjust at nahuhumaling (nahuhumaling???) yung katawan sa mga simpleng bagay kasama na dun ang ulam pag tumatanda. At kasama na din siguro yun bang parang biglang may maga-alarm sa utak mo pag naparami ka ng kain sa matatamis, mamantika o maaalat.

Napakaraming komplikadong bagay sa mundo at minsan kung kelan pipikit na at matutulog, dun pa sila mambubulabog. Kaya siguro iba na yung hatak at cravings sa mga bagay na malayo sa komplikasyon at problema...mga bagay na simple katulad ng pritong karne na asin lang ang panimpla, o yung pritong talong sa soy-calamansi o kaya bagoong at yung comfort at linamnam ng labong tuwing tag-ulan. 🤤

Simpleng ulam pero gabundok naman yung kanin ko. Mali yata. Masaya ako, thankful sa bawat sandok ng kanin.... but tomorrow is another day to try and eat less rice...sana...so Help me God. 🙏😬

#foodforthought #ulamideas #PagkaingProbinsya #pagkaingpinoy #hugotom

u/brain_inthe_rain — 1 month ago

I can turn your poems into songs.

Yung tula mong nakatago lang sa notes — imagine kung kanta na siya. Naririnig mo na, nafi-feel mo na, hindi na lang binabasa.

Pwede kong gawing kanta yung poem mo — ₱300 lang!

Hi, medyo random post pero sige lang. Naghahanap ako ng WFH ngayon pero di pa din sinuswerte. Kasama ko dito sa bahay yung mga magulang ko (both senior na) at 2 dogs ko, madalas, puro cooking at gardening...tapos hobby/side hustle yung music production.

Gumagawa ako ng full songs gamit ang AI — hindi lang basic text-to-speech, kundi totoong kanta na may melody, arrangement, at boses. May sample songs ako kung gusto mong marinig bago ka mag-decide.

Kung may tula ka na gustong maging kanta — para sa ex, crush, sarili mo noon, kahit ano — sabihin mo lang yung vibe na gusto mo (sad, chill, upbeat, etc), tapos gagawa ako.

Btw, marunong din ako ng Photoshop, Canva, at video editing kung yun naman hanap mo — DM mo na lang ako, tignan natin kung paano kita matutulungan.

reddit.com
u/brain_inthe_rain — 1 month ago