
“MALETA POLITICS?” SINO BA TALAGA ANG PUMALDO SA PARTY-LIST SYSTEM
Habang abala ang publiko sa bangayan ng mga kampo, mas lalong umiinit ang usapan sa “maleta politics” sa loob ng party-list system. Ayon sa mga umiikot na kuwento sa political circles, hindi raw mismong mga party-list representatives ang nakakuha ng P20 milyon na umano’y bayad kapalit ng pagboto ng yes sa impeachment ni VP Sara Duterte, kundi ang mga mismong may-ari ng party-list organizations.
Sangkot sa mga usapan sina Elmer Catulpos at Jose Fernando Escalante - mga may-ari ng 1-Tahanan at Pinoy Workers Party-lists - bilang mga personalidad na pumaldo sa “maleta,” bagay na lalong nagpapagalit sa ilang DDS supporters online. Bukod sa kanilang koneksyon sa party-list organizations, pag-aari rin ni Catulpos ang Brigada media network, dahilan upang lalong mabuksan ang usapin kung saan nagtatapos ang media operations at saan nagsisimula ang political machinery.
Habang ipinapakita sa publiko ang lengguwahe ng serbisyo at representasyon, lalong umiigting ang pananaw ng maraming netizens na sina Elmer Catulpos at Jose Fernando Escalante ang tunay na pumaldo at nakinabang sa likod ng kontrobersyal na “P20-milyong suhol” kapalit ng pagboto pabor sa impeachment ni VP Sara.
Source: ArkiPolitikal