Pinalayas ako ng husband ko and my 2 year old kid and I am diagnosed with panic attack disorder
Problem/Goal:
I’ve been battling with mental health issues for, I think, almost a decade. This year, I finally decided to go to a psychiatrist and I was diagnosed with panic disorder. Tapos sumabay kasi after kong manganak, nagkaroon din ako ng postpartum depression, so parang nadagdagan talaga yung bigat ng lahat.
Context: Yung husband ko ngayon, four months pa lang kami dating nung nabuntis ako. Since yung benefits kasi ng legitimate child, like sa PhilHealth and all, mas madali, and of age na rin naman kami, we decided na magpakasal na. That time I was 30 and he was 35.
Parang naisip namin, endgame naman na kami, so pakasal na kami.
Pero family ko kasi is Christian, so for me, may additional weight din sa puso ko na out-of-wedlock yung pregnancy ko. Kaya parang pinush ko rin talaga yung marriage.
Pero ngayon, with my current state, naiisip ko na baka hindi pala talaga dapat kami nagpakasal.
Kasi looking back, yung marriage namin parang hindi naman nagsimula sa ganung romantic na “I want to marry you because I love you so much.” More like mutual agreement siya na dahil sa situation ng baby, mas okay na magkaroon siya ng buong pamilya.
And now, nagkaroon kami ng sobrang petty na fight na nauwi sa something na hindi ko in-expect.
So eto yung nangyari.
Usapan namin Monday, tutulungan niya ako sa work ko para yung time ko sa work, magagamit ko para maasikaso yung business niya.
Pagkabangon namin, mag-11 AM na. Late na kami nagising kaya medyo delikado na ako sa work. Humingi na ako ng tulong sa ibang tao para maihabol yung mga tasks na binigay sa akin.
Finorward ko sa kanya yung kailangan niyang gawin, tapos bumaba ako para mag-asikaso ng pagkain.
Pagkaalmusal namin, wala pa rin siyang nagagawa.
Sinabihan ko na siya na same lang naman yung gagawin. Hanapin sa mga videos yung topics na binigay ko, then i-trim, then tulungan kami sa captions.
Nainis na ako kasi pag-akyat ko bago kumain, nag-Facebook lang siya. Eh sinabi ko na sa kanya na critical na yung deadline ko.
Pero sinabi ko sa sarili ko, “Bwelo nanaman yun, kakabangon lang,” kaya pinalampas ko na lang.
Kaya pagkakain namin, ako na diretsong gumawa kasi naiinis na ako sa tagal niyang magsimula.
Badtrip na ako. Tapos tinanong na naman niya kung ano yung gagawin.
Nainis na naman ako kasi paulit-ulit.
Hindi na ako umiimik kasi ayoko magsalita nang magsisimula na naman yung sagutan. Pero pinipilit niya akong sumagot.
Sabi ko, “Wag na kung di mo rin naman maiintindihan sasabihin ko.”
Pinilit niya pa rin ako hanggang sa sinabi ko na yung problema ko.
Sabi ko, ang tagal niyang gumawa, wala pa rin siyang nauumpisahan kahit ilang beses ko nang sinabi na critical na yung deadline.
Sabi niya hindi niya alam gagawin.
Sabi ko same na same lang nung ginawa niya last week. Same client, iba lang yung tao sa loob ng video.
Ilatag yung video, then ibigay kay ChatGPT yung transcript para mahanap yung topics.
Sabi niya wala siyang files.
Sabi ko same folder lang nung last week na naumpisahan na niya.
Doon siya nagalit at sinabi niya na dapat daw isa-isa kong tinuturo yung gagawin.
Kaya ako lalo naiinis kasi mahigit three months na niyang ginagawa yung ganung type ng work. Ilang beses ko na rin itinuro. Ilang beses na rin niyang nagawa.
Hindi ko maintindihan bakit kailangan every time from scratch ko ulit ituro.
Oo, beginner siya. I understand that people learn differently. Pero professional adult siya and ilang beses na niyang ginagawa yung same type of video. Yung ine-expect niyang pagtuturo ko sa kanya parang grade one na tinuturuan magsulat at magbasa.
Kaya ako nagsusungit. Mainit na ulo ko, critical yung deadline, tapos sobrang bagal pa ng progress.
Edi nagalit siya sa pagsusungit ko.
Tinawag niya akong “gago.”
Sinagot ko siya ng “gago ka rin.”
Nagalit siya lalo.
Sinabi niya “putang ina mo.”
Sinagot ko rin ng “putang ina mo rin.”
Hanggang sa nagsagutan na kami ng mura.
And then, sa sobrang galit niya, sinakal niya ako sa batok.
Doon ako natakot.
Ang response ko sa takot was, “Ah, nanakit ka na ha. Grabe.”
Tapos sinabi ko sa kanya, “Isusumbong kita sa lahat ng tao. Ipapaalam ko na nananakit ka.”
Doon lalo siyang nagalit.
Binato niya yung AirPods niya sa ulo ko. Tumama.
Immediately, tinawagan ko yung kapatid niya para isumbong kung ano yung nangyari.
Sa sobrang anxiety ko, chinat ko rin yung mommy and daddy niya and friend nya para may record na alam ng mga tao yung ginawa niya sa akin.
Parang gusto ko lang magkaroon ng witnesses na may mga taong nakakaalam kung ano yung nangyari.
Nag-hyperventilate ako.
Eventually, pinalipas ko na lang yung galit and nag-focus ako sa trabaho.
Sa sala ako buong maghapon.
Pagkatapos ko, lumabas ako, then pagbalik ko naligo ako.
Nasa baba siya, kakain yata.
Niready ko na yung unan and kumot ko kasi sa baba sa sofa ako matutulog. Ayoko munang matulog sa kwarto.
After maligo, aayusin ko sana yung mga squishy toys na nasira, so binuksan ko yung ilaw.
Pagalit niyang inutos kay yaya, yung yaya namin, na patayin yung ilaw.
Tumingin si yaya sa akin, so sabi ko, “Wag, may gagawin ako.”
Sumisigaw siya kay yaya na patayin yung ilaw, kaya naiipit yung tao.
Edi pinatay niya.
Binuksan ko ulit.
Sabi ko, “Kailangan ko ng ilaw, may gagawin ako.”
Sabi niya, “Doon ka sa taas.”
Sabi ko ayoko. Dito ako sa baba. Dito ako matutulog and ayoko sa kwarto kasi parang lungga niya yun and ayoko doon.
Pinatay niya ulit yung ilaw.
Binuksan ko ulit.
Then sinabi niya, “Babasagin ko tong ilaw.”
Sabi ko, “Sige, edi basagin mo.”
And he actually destroyed it.
Tumama/tumalbog yung ilaw sa TV.
Natakot si baby.
Nagulat siya and sumigaw siya, “Daddy, bakit mo sinira? Bakit mo binagsak? Bad ka, Daddy.”
Tapos iyak siya nang iyak.
Parang sobrang natakot talaga yung bata sa nangyari.
After that, binato niya sa akin yung wedding ring namin.
Sinabi niya na maghiwalay na raw kami.
“Lumayas ka. Dalhin mo yung bata. Wag na wag na kayong babalik.”
Umalis kami.
And now, ngayon ko pa lang talaga siya napoprocess.
Parang nagsi-sink in na sa akin yung nangyari.
And one of the biggest things that’s bothering me is our son.
Iniisip ko, paano kung lalaki siyang walang tatay?
Ang hirap isipin.
Kasi kahit ganito yung nangyari, hindi ko naman gusto na mawalan siya ng relationship sa father niya.
And I’m also questioning myself a lot.
Alam kong naging impatient ako.
Alam kong nagsungit ako.
Alam kong gumanti ako sa pagmumura.
Alam kong nag-escalate din ako verbally.
I can admit all of that.
Pero ang problema sa taong ito, feeling ko lahat ng actions niya kapag galit siya, somehow nagiging valid dahil galit siya.
Parang ang mindset is:
“Galit ako dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nagalit, therefore whatever I do while I’m angry is because of you.”