Barangay Presidential Scholars Program (BPSP)
Hello po. I'm not from Tarlac and nagbabasakalin lang ako baka may maka-help or alam sino pwede lapitan regarding sa pamumulitika ng BPSP sa Tarlac City last July 30. I'm asking on behalf of my girlfriend po.
Context:
Last April 2026, pinapunta sa barangay yung mga applicants para mag-submit ng documents na kailangan para sa scholarship program. After a month, tinawagan sila ng Kapitan, including gf ko, na nakakuha sila ng slot sa scholarship program. Dumaan sila sa screening, pagpasa ulit ng required documents, at okay na ang lahat. Nagsabi na rin yung Kapitan na waiting for funds na lang scholarship para ma-release na.
Last July 28, months of no updates galing kay Kapitan, pinapapasa ulit ang names ng mga approved applicants sa barangay para malagay ang names sa system. Sa day na ito, may isang Kagawad na pinulitika ang names at pinalitan nya ng sarili niyang listahan sa mismong July 28 lang din "nag-apply" kuno, so nawala yung name ng 5 na originally na-approve na (including my gf) at napalitan nung July 28 lang "nagpasa" ng documents. Sabi ng Kagawad is napapirmahan na nya kay Susan Yap yung listahan ng scholars kaya sila ang "original" pero nung hinanapan sila ng documents na magpapatunay na totoo ito ay wala sila maipakita. As for Kapitan naman, may documents siya na patunay na napirmahan na kay Cristy Angeles months before pa at matagal nang approved sa BPSP ang 5 na original approved applicants. Nagka-conflict kasi maka-Yap yung Kagawad at maka-Angeles naman si Kap, dinadaan na lang sa pamumulitika ang scholarship. Ilang taon na rin daw ginagawa ito ng Kagawad kay Kapitan na binabypass sya nito at hinahaluan ng pulitika ang proseso. Nagkasundo sila nakaraan na paghahatian na lang nila (10) applicants ang 100k (20k each sana for 5 scholars) scholarship pero nung kahapon lang, nag-update si Kap na wala na matatanggap ang gf ko pati mga kasama nya. Nakakahinayang lang kasi nag-hintay at nag-hirap sila para sa BPSP pero ang ending, pinulutika lang at yung makakakuha lang ay mga etsapwera lang na nilagay lang basta-basta pangalan nila last minute sa listahan.
Sana may maka-help kung ano pwede po gawin sa pangyayaring ito. Kung pwede ilapit sa DILG-Tarlac or what. Malaking bagay po kasi ang pera na ito para sa mga totoong iskolar at hindi siniksik lamang na pangalan.