u/frieren-cc

First time ko makabili ng jollibee chickenjoy bucket

sobrang saya ko kasi pangarap ko 'to since bata palang ako. yung makabili ng jollibee chickenjoy bucket para sa mga kapatid ko.

sa presyo siguro, hindi nagma matter sa iba kasi mura lang para sakanila, barya lang ng iba pero para sakin malaking bagay 'to.

ayokong magkaroon ng guilt feeling na “bakit inuna ko 'to eh may mas kailangan pa dapat i priority" kasi deserve rin to ng mga kapatid ko 🥹

sobrang babaw siguro pero sobrang saya ko talaga ngayon. 🩷

reddit.com
u/frieren-cc — 11 days ago