First time ko malamang patay na yung ex ko
Hi Guys,
First time ko malaman na wala na yung ex ko, 2 months na din nakakalipas. We separated na hindi kami ok and ng family niya.
Hindi ko alam mararamdaman ko kasi it’s been 2 years since nag break kami and hindi ko magawang umiyak. 4 years din naging kami and kaya kami naghiwalay due to family issues sa side niya. (Inuutangan ako ng malaki ng parents nya) and actually, kaya ko nalaman kasi napa stalk ako. Nag log in kasi ako sa PC ko and nagulat ako naka save yung google account ng kapatid niya which is weird dahil never ko nameet kapatid niya (Nag study abroad that time) and never nakapunta sa bahay namin so iniisip ko baka binuksan nya google account ko and nasave dun sa password manager.
2 months na nakalipas simula nung nalibing siya, im trying to find the reason bakit sya namatay and wala ako makita.
Grabe no, Ganun pala yung feeling na kahit anong hate ko sa kanya, nung nalaman ko na wala na sya nanlambot ako and naalala ko na lang yung times na masaya kami.
Well to be fair, during those 4 years i know na naging mabait ako, i tried and did everything to make him happy. I just hope he’s at peace. Tonight, i’ll celebrate his life by listening to his favorite song, ako na lang din maglalaro ng GTA VI pagka release to honor him.