Bunuksan yung facebook ko tapos hindi binigay ang last pay ko
Hello! Nag work ako sa company na ito for just less than 4 months. Una pa lang napansin ko na ang toxic ng work environment kasi hindi nag tuturo ng maayos yung old employees kasi (feeling ko) natatakot malamangan sa commission. Commission based din kasi itong company na 'to. Tapos ang unprofessional ng boss kasi namamahiya ng staffs nya. Iniisip ko baka sensitive lang ako at di ako sanay ng ganun pero naiisip ko rin na hindi naman dapat ninonormalize yung pamamahiya sa workplace lalo sa harap ng nga katraabaho. To the point na nag i instill ng takot sa amin tuwing kikilos kami kasi baka mapagalitan. Nagugustuhan ko naman sya kasi minsan kasi nag ttravel kami. Pero napapansin ko na parang ina-outcast kaming mga 'bago' pa lang na hired na company. Apat kaming naging super close kasi pareparehas kami ng reklamo sa company mismo.
Naaalala ko noong final interview namin, pinag start agad ng first day of work. Wala pa silang na i-issue na COE sa aming apat kahit ilang buwan na kami doon. Wala kaming na permahan na contract. As in walang legal binding para masabi na worker kami doon, wala ring ID.
May gc kaming apat na bukod and then doon kami nag rrant ng mga nangyayari everyday kasi hindi kami nakakapag usap sa office masyado. Naalaman ko na binubuksan yung account ko ng isang worker doon. Yung worker na ito ay kamag anak ng boss. Masasabi kong intentional na inopen ang account ko kasi sa chrome ay may account pa na pipiliin before mabuksan diba. And andon yung account ko and intensional na ni-open ng facebook ko kasi naka save ang password noon for my easy access. Kaya pala biglang nag sisigaw sya sa amin at sinasabing kung ano ano ang sinasabi namin behind their backs. Totoong naging ranting space namin yung gc na yun because of the unfairness na na feel namin and also mostly is reklamo sa walang process na sinusunod sa company kagaya na lamang ng hindi nasusunod na oras ng break namin (1hr break), yung walang maayos na flow ng pagtuturo kasi self learn daw dapat. Tapos yung power tripping na ramdam namin talaga.
Due to personal reasons nag decide ako na mag resign na, nag pasa ako ng resignation letter kaso binlock ako ng boss sa facebook. Yung tatlo ay nagpunta sa office para offical na mag resign din. Kaso ay nag away away sila doon na umabot sa sigawan at iyakan.
Sinabi nung staff na yun (na kamag anak ng boss) ang gc and most likely yung content din noon sa boss namin at nagalit sya. May pin yung messenger ko and hindi sya mababasa lahat, yung recent lang ang nababasa sa ganun diba? And I also don't know kailan nya pa nabubuksan ang account ko kasi may nakapag sabi sa akin noon na grabe ako magpugat at kita ang active status ko ng madaling araw e maaga ako matulog at naka off active status ko sa phone ko.
Ngayon, hindi na daw ibibigay ang last pay namin.
Serious question. Ano ang pwede naming gawin para makuha ang sahod namin? Tinatakot kasi kami na pwede kaming kasuhan kasi may proof daw sila na may sinasabing masama sa kanila and sinabihan kami from the very start na may access sya sa lahat ng company devices namin at nakikita nya ang ginagawa namin ( alam namin na wala ito kasi chineck namin yung mga devices kung may mga implanted na ganyan, wala naman. Sinabi lang siguro para hindi sila mareklamo sa data privacy act)