ABYG dahil nagopen ako sa isang friend about another friend?

For context, I'm a college student, 2nd year na and during my first year, nagtiwala ako sa isang friend within our friend group

We talked several times about different topics tuwing pauwi kase sabay kami ng sinasakyan lagi. Marami na kami napagusapan pero may 1 or 2 times na may nasabi ako sa isang friend namin kase nao-off talaga ako

Though the 2nd time na pinagusapan namin sya, si ate girl mismo nagsimula and parang mas malala pa sinabi nya. Di ako masyado nagagree sa sinabi nya pero I think ny mistake was nagsabi ulit ako ng napansin ko na medyo related sa sinabi nya.

In my perscpective, di ako naninira and I'm merely stating yung nararamdaman ko, observation and literal na opinion ko lang. Di ko pinapakita na "facts" yon or ginagawan ko ng kwento, yung literal na sinisiraan ko sya.

Then nung summer class, bigla nya nalang ako kinut off, literal na one day di nya na ko pinapansin. Behind my back sinasabi nya pala sa kung sino makasama nya na di nya na ko pinapansin kase sa mga pinagusapan namin nung 1st year.

Sobrang di ko sya magets kase lumabas na yung issue outside sa friend group namin, wherein pwede naman na magstay lang in our friend group and mapagusapan.

Now napapansin ko yung classmate ko iba na tingin and tungo sakin. Napaparanoid na din ako sa mga close ko parin if nakikisama nalang sila sakin or nakikipagplastikan na.

She branded me as someone na naninira and nakikipagplastikan. It hurts kase nagtiwala ako sakanya and that is my biggest mistake.

Nagsorry na ko sa friend na pinagusapan namin, he accepted it and same kami ng thoughts na opinyon ko lang ganun ganyan, pero syempre, he was disappointed in me and I know he was deeply hurt and bothered pero di nya lang pinapakita and sabi nya for his peace of mind, he didn't ostracize me like she did. I said the reason I didn't rell him was because I didn't want him to change, kase it was a small thing and ayoko na tuwing may interaction kami is magstistick sa mind nya yung sinabi ko, maiilang sya, and I don't want that since it is literally a me thing, not him.

ABYG here? Tbh di ko madetermine if nanira talaga ako. Pero one thing for sure is never ako nangpaplastic ng friend.

reddit.com
u/itsme_milo — 15 days ago