u/iwouldliketopunchyou

Di ko magets kung anong meron sa magulong apartment na tinirhan ko.

Hi, so gusto ko lang ishare tong story na nangyari sakin na hindi ko maexplain.

Taga San Mateo Rizal po ako, and last month na-hire ako as an building engineer sa Mandaluyong. Nahihirapan ako sa everyday commute so nag apartment na lang ako dito sa Mandaluyong din para mas convenient sa akin. Nakahanap ako ng apartment dito sa Barangka, luma yung building pero okay lang, malinis naman and okay naman yung room na binigay sa akin.

Tatlo ang rooms each floor afaik nitong maliit na building na ito. Sa 4th floor ako napunta. And sa 1 week kong pagstay dun, naiinis ako sa pamilyang nasa katabi ng room ko. Lagi silang may mga sounds na naka-routine. I mean, mag sstart silang gumawa ng sounds ng alas nueve, makakarinig ka ng tawa or hagikgik basta ganun. then kasunod non, may away, iyakan, tas mga bandang alas onse, makakarinig ka na ng kaluskos..

Nakakairita kasi hindi sya bihira, kundi araw araw. So 1 time, ginabi ako ng uwi. mga past 9, naabutan kong bukas yung pinto nila. Narealized ko, kaya pala rinig na rinig ko sila kasi open yung pinto nila ng ganung oras. Nagtatawanan sila naririnig ko. Habang nagbubukas ako ng pinto, nalaglag ko yung susi, then at that very moment, tumigil yung tawanan, tahimik. then mga ilang segundo lang, sumilip sila.

May tatay, may nanay, may dalawang batang babae, tila kambal. Sabi ko, "ay magandang gabi po" habang binubuksan ko pinto. nakatingin lang sila, parang di nila alam na may nakatira na pala sa room na inuupahan ko. So sabi ko "bagong lipat lang po". Nakatingin pa rin sila. so nagpatuloy na ako sa pagpasok.

Mga sumunod na araw mula non, di na sila nag ingay. Sabi ko "di lang pala nila alam na may tao na". Pero after 4 days nilang pananahimik, nagbago bigla yung mga sumunod na madaling araw ko. Mga bandang alas dos ng madaling araw nung unang beses na narinig ko sila, nasa labas ng pinto ko, humahagikgik, then sumunod na araw, tumayo na ako lumapit sa pinto. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto para marinig pinag uusapan nila.

Sobrang natakot ako nung narinig kong "nararamdaman ko paghinga nya, gising na sya" sabi nung nanay. Tas narinig kong tumawa sila at sabi nung nanay, "bukas ulit, bukas ulit" tapos wala na akong narinig.

Kinabukasan, alam kong hindi ako safe sa apartment na yun. so pinuntahan ko sa bahay nila yung may ari. at sinabi kong aalis na ako. Hindi binalik yung 1 month deposit, yung advance lang. Hinayaan ko na kesa mag spent pa ng panahon sa bahay na yun.

Tinanong ako kung bakit raw, sabi ko may problema yung mga nasa katabi kong rooms. Wala man raw naka upa dun kasi yung naka upa don, naidala na sa hospital ng mental dun rin. At wala na silang balita.

Di ko magets, kung ano mga naexperience ko.

reddit.com
u/iwouldliketopunchyou — 13 hours ago

Share ko lang, wala kasing mapagkukwentuhan na may care talaga sa pagpasa ko. I mean meron akong kaibigan and okay sila kausap pero wala talaga silang pakielam kung sakaling ikwento ko lang. Si mama ko hindi, kasi di naman yun board exam, pero masaya ako kasi talagang ginalingan ko nung civil service exam, although di ko natapos yung exam gawa ng time limit pero pumasa naman. thankssss

reddit.com
u/iwouldliketopunchyou — 2 months ago