(Slight) Reflections after Diagnosis
I got diagnosed two weeks ago. Yung akala kong simple at mabilis na test lang para magkaroon ng prep refill, paguwi ko may dala na kong teldy at tb meds.
Okay naman ako. Mostly ang naging negative effect (pa lang) sakin ng pagiging positive ay wala ako drive maggym unlike before. Ewan ko, baka in denial pa ko at this point o baka natanggap ko na talaga. Di ko sure.
Ang sure ako, parang nagkadirection yung buhay ko. Na itry na maging healthier pa yung lifestyle physically and mentally. Na ienjoy yung little moments with friends lalo na sa family. Na gawin na yung mga bagay na lagi kong sineset aside. Mas nagkaroon ako nang sagot sa mga ‘bakit’ lalo na pagdating sa trabaho. Kasi kung noon, nagtatrabaho lang ako para may pang gasta kung saan saan. Pero ngayon meron na kong mas malalalim na bakit.
I recently uninstalled fb and ig sa phone ko. Not because of the diagnosis. Been wanting to do that for a while na para mabawasan screentime, ngayon lang talaga natuloy. Aminado naman ako na isa rin yun sa sources ng stress ko dahil sa news and yung parang constant reminder na im not doing much in my life dahil sa mga nakikita ko especially sa stories (travels, hobbies, daily updates) when in fact im doing fine naman. And at this point, mas kelangan ko talaga alagaan mental health ko.
Ayun lang. so far, im okay (pa naman and sana magtuloy tuloy). I recently bought a recorder flute hahaha and now also trying teas mostly fruit tea lang tsaka yung basic na hibiscus at mint . Hugs from me to yall, bloodsibs.
Any positive stories or reflections to share?