
Naabutan mo ba ang Dynapharm?
May nakakaalala pa ba dito ng Dynapharm nung BES era?
Bago pa nauso yung Usana, may Dynapharm na na networking sa MCGI noong early 2000s. Hindi ko alam kung ito ba ang una or meron pang previous networking na nauso noon sa MCGI.
Nung nagmanggagawa ako, dinadala pa kami ng District Servant sa Ortigas para umattend ng orientation at magpa-member. Hindi ko na maalala kung nagpa - member ako pero I remember buying the products such as Chlorophyll at Spirulina na tablet. Nauso pa nga sa lokal yung tingi tingi lang na Spirulina tablet para sa mga hindi kayang bumili ng isang bote.
Maraming nagpa member noon especially yung mga workers na may pera. Nakakainggit kasi nakabili sila agad ng mamahaling cellphone. Ang uso pa noon ay Nokia tapos yung kasama kong worker naka Nokia N-Gage at Nokia 6600. Syempre, kapag worker ka ikaw yung nasa taas pag sumali tapos ipapa member mo nalang yung mga kapatid sa lokal kung saan ka naka destino at maraming nagpapa member kasi nga "para sa gawain."
Medyo pumasok lang sa isip ko nun, grabe ang mamahal ng gadgets nila sana itinulong nalang sa gawain. Haha. Pero syempre sinubukan kong alisin sa isip ko yun pero dahil nga sobrang delulu ko noon, ang tipid ko din kasi para lang may pamasahe sa destino at pang abuloy.
Yan ang unang experience ko sa networking noon e in the guise of "pangtulong sa gawain." Imagine kung magkano yung napupunta noon kina BES since most likely sila yung nasa top of the pyramid. Pero syempre, hindi pa halata noon kasi nakikita naman natin yung mga satellite na binibili ni BES at mga Bible Exposition nya.
I realized lang na simula palang ginagamit na talagang captive market ang mga members.
Ikaw, naabutan mo ba dati ang Dynapharm? Anong experience mo dito?