Wag masyado maging mapagbigay
Nasa private resort kami na medyo liblib. Nung pauwi na kami, binuksan na yung gate kasi maglalagay na kami ng gamit sa mga sasakyan.
May batang pumasok sa gate, so akala namin nanghihingi. Binigyan siya nung kasama namin, tapos umalis na yung bata.
Maya-maya, bumalik siya kasama yung pamilya niya. Umiiyak pa yung bata, mukhang napagalitan yata. Nakipag-usap yung nanay kasi akala niya nagnakaw ng pera yung anak niya.
Turns out, hindi pala nanghihingi yung bata. Gusto lang pala niyang magswimming din sa resort.
Lesson: Wag basta magbigay. Alamin muna ang pakay. 😭