u/loving-canhurt

Puro molds na rin ba bahay nyo?

Halos 2 weeks atang hindi umaraw, dahil jan napansin ko na puro amag yung mga pader o mga parts ng bahay namin na may kahoy. At one point may tumubong mushroom na kulay orange sa may kisame ng kwarte ko, ngayon tuyot na siya pero kinikilabutan ako pag naiisip or nakikita ko to kasi first time ko lang makakita ng ganto na tumubo sa bahay namin.

reddit.com
u/loving-canhurt — 1 day ago

Nangamoy BO ako dahil sa iba

Una sa lahat, sorry talaga pero goddamn. Yung inis ko talaga kanina todong todo eh. May napadikit kasi sakin na foreigner sa LRT kanina. Pawis na pawis siya, parang buong katawan niya umaagos yung pawis sa kaniya. At yung amoy na nananapak, may pag ka onion na bayabas na panis. Sanay na sanay na ako sa amoy ng LRT na rush hour lalo na kapag puro pinoy lang talaga, immune na ako dun. Pero, Diyos ko yung kanina nanapak talaga. Hindi ako mahiluhin sa byahe pero sa amoy na to, nasusuka at bumabaliktad talaga tiyan ko, sorry na po talaga.

So since, rush hour nga at siksikan, wala na ako choice kundi huminga gamit bibig ko, kasi kahit saan ko ipaling yung ulo ko, amoy bulok na sibuyas talaga, sorry talaga ayokong makaoffend. Ang nakakainis pa, since siksikan nga lalo na mula UN station hanggang Libertad, kapag may bumababa, tinatry ko na lumayo nang paunti-unti kay Kuya, pero parang nananadya itong hinayupak na to (sorry talaga inis na inis lang talaga ako) kasi kung saan ako nagsusumiksik, doon din niya pipilit sumiksik. Somewhere between Quirino to Vito cruz kung saan humawak sya sa railing nakataas kamay niya malapit sakin tapos yung braso niya na puro pawis, napadikit sa balikat ng ko. Mula Quirino ata hanggang Gil puyat naka patong yung pawisan niyang braso sa balikat ko. Napapikit nalang ako kasi medyo natatawa din ako kasi kitang kita sa itsura nung mga tao na di talaga nila kayang matiis yung amoy. Nung lumuwag na somewhere in Libertad, literal na lumayo nako sakanya kasi nawala na yung mga tao. Sa kabilang bagon nako lumabas. At tangina, yung amoy niya nanirahan sa buong balikat ko. Amoy ako nang amoy sa kanang braso ko, amoy pabango na may slight old spice deodorant, tapos sa kaliwa diyos ko. Hiyang hiya ako kasi parang kada humahangin ng onti, sumasapak sa kaliwang side ko yung amoy, at syempre na aamoy din ng mga nakakasalubong ko.

Mula pagbaba ng EDSA hanggang palitan pa MRT hiyang hiya ako kasi sobrang baho talaga. Pag ka sakay ko sa MRT, pagkabukas ng aircon dun, nanapak yung amoy, doon na talaga ako nahiya. Hindi ko na natiis, kahit malayo pa ako, bumaba ako ng ayala station para mag cr sa one ayala, pinurga ko lahat ng amoy sa cr. Inubos ko yung bote ko ng alcohol, nawala naman yung amoy, pero yung hiya ko abot hanggang LRT Vito Cruz.

Lagi kong minemaintain yung katawan ko lalo na kapag nasa public transpo, kahit papano, ayoko na amoy mandirigma ako kasi nakakahiya sa sarili ko at sa iba din. Bulok na nga transpo natin may makakatabi ka pang amoy anghit. Kaya sa gantong situation inis na inis talaga ako at sakin napupunta yung gantong pagkakataon.

reddit.com
u/loving-canhurt — 23 days ago

I genuinely want to confess my feelings to this girl

So meron akong kaklase dati 5 years ago na natipuhan ko talaga. I couldn’t talk to her at all (Mahina talaga loob ko kumausap sa babae na may gusto ako) and mayroon din siyang kinikitang lalake at that time. Siguro dalawang beses lang kami nagkaroon ng interaction. 4 years ago nagkaroon rin ako ng naligawan, di rin naman nagtagal yun. 3 years na akong single and last year lang din bumalik feelings ko sakanya when i followed her on instagram, naging ig moots kami at simula nun puro parinig lang talaga ako sa notes, which i promised myself not to do anymore kasi sa tingin ko Im just doing it for nothing, pero di ko alam bakit ginagawa ko padin HAHAHA. Gusto ko talaga magconfesss sakanya kasi sa tingin ko din wala siyang kinakausap na lalaki. I also think that sobrang layo ng agwat ko sakanya, medyo nanghihinaan ako ng loob pag dating sa mga siblings at parents nya. Ginagambala ako ng isipan ko. Di ko alam kung kelan or hindi ko alam kung kaya ko. Di ko alam pano ako nakagalaw sa dating naligawan ko at hindi ko ito magawa ngayon. Pakiramdam ko din kasi na kailangan ko munang may maipakita o ma-achieve muna bago ko siya makausap. She seems normal at mabait pero parang she’s out of my league.

reddit.com
u/loving-canhurt — 1 month ago

naalala nyo ba yung hamdesal ng Mcdo?

I think bago lumabas yung cheesy eggdesal meron neto. Parehas sila ng bun nung eggdesal may ham tsaka mayo(?) at may sweet na syrup o honey ata. Wala lang, pumasok lang sa utak ko hehe.

reddit.com
u/loving-canhurt — 1 month ago

Possible kaya na makapag-air ulit ang abs cbn or any ph tv stations ng live coverage ng nba?

Kanina nung nakatutok kaming magkakapatid sa Knicks vs Spurs na laban, biglang pumasok lang sakin yung memories 10 years ago na nagkakanaw ako ng milo tsaka nag luluto itlog at hotdog para pagsaluhan naming magkakapatid habang nakikinig sa commentary ni Benjie Paras tsaka ni Ronnie Magsanoc sa ABS CBN. Namiss ko lang lol.

reddit.com
u/loving-canhurt — 2 months ago