u/markgreifari

Image 1 — First Time Kong mag-drive ng actual fucking car 🚗
Image 2 — First Time Kong mag-drive ng actual fucking car 🚗

First Time Kong mag-drive ng actual fucking car 🚗

​

Nagdasal ako bago ko binuksan yung makina. Hindi dahil religious ako today. Gusto ko lang siguraduhin na makakauwi pa kaming buhay ni instructor. 😂

u/markgreifari — 1 day ago

Tonight I realized how terrifying it is to be a woman alone at home

Tonight was honestly one of the scariest nights I’ve had in a while.

I’m alone at home with just my two dogs, tapos yung Tito kong kupal biglang pumunta sa kwarto ko habang ready na sana akong matulog. He started asking kung sino raw kasama ko. Sabi ko wala. Then napansin niyang naka-lock yung pinto and kung ano-anong accusations na agad sinabi niya.

Bakit daw naka-lock? Wala raw akong karapatan magpapunta ng bisita kasi hindi raw namin bahay ‘to.

Like hello??? Hindi rin naman sa kanya tong bahay.

Siya nga tong nagpapapunta dito ng mga kainuman niya minsan habang puro babae kami rito sa bahay. The only time na may pinapunta akong lalaki rito was my (ex)boyfriend, and even then aware parents ko and pinasamahan pa nga ako.

Pero dun talaga ako kinabahan nung sinabi niyang may picture raw kami habang natutulog.

Imagine hearing that habang mag-isa ka sa bahay at disoras ng gabi.

Biglang napunta usapan sa dati raw naming “pagtawag ng pulis” para ipahuli siya dahil sa panggugulo niya. Which wasn’t even true. Tapos sabi niya papakita raw niya yung picture kaya bumaba ako. Pinapababa niya pa yung “kasama” ko kahit wala naman talaga.

Sabi ko nalang, “Sige tingnan mo kwarto ko.”

Pumasok siya sa kwarto habang ako lumabas para humingi ng tulong sa kamag-anak naming kapitbahay. Dun na ako tuluyang napahagulgol. Wala na akong pake kahit naka-duster lang ako, walang bra, magulo buhok, umiiyak habang nanginginig.

I called the police.

30 minutes bago sila dumating.

And honestly? Mas lalo lang akong nafrustrate. Kasi ang gusto pa nila AKO yung umalis at magpalipas ng gabi sa hotel or ibang bahay. Kinausap lang nila Tito ko tapos sinabi sakin na dito nalang daw ako matulog at tumawag nalang ulit if manggulo siya.

Eh paano ako matutulog nang maayos after that?

May history na tong Tito ko na nagbabanta na susunugin niya yung bahay. Kanina hindi ko pa macontact pamilya ko kasi nasa probinsya sila, yung iba nasa work, at yung buntis kong kapatid nasa bahay ng boyfriend niya. Buti nalang talaga wala siya rito tonight kasi baka mas lumala pa.

Umiyak na ako sa harap ng pulis pero ayaw nila damputin kasi wala raw samin ang may “karapatan” sa bahay.

Nagtry pa ako magrecord at video pero putcha hindi nacapture lahat ng nangyari.

Gising pa rin ako. Tahimik yung bahay pero hindi ako mapakali. Yung tipong bawat kaluskos napapatingin ka sa pinto kasi natatakot ka kung ano susunod na mangyayari.

Tangina. Nakakapagod mabuhay minsan.

reddit.com
u/markgreifari — 9 days ago