Ipinaghimay ako ni mama ng alimasag
Just finished eating dinner. Nagluto ako ng tofu sisig tapos may dumaan na kumare si mama, binigyan kami ng fresh alimasag, na niluto naman namin.
Tonight, kaming tatlo nila mama at papa yung magkakasabay kumain. Ipinaghihimay ni mama lagi si papa ng shellfish kasi love language nya yun kay papa, tapos halfway through, tinanong niya si papa kung gusto pa nya ng alimasag, then naglambing ako and sinabi ko na gusto ko rin.
Tumawa si mama pero ipinaghimay niya pa rin ako 🥹 ang sarap sa feeling na kahit trenta na ako, nilagyan nya pa rin ng hinimay na alimasag yung plato ko 🥹