Commute to SM North
Paano po magcommute sa SM North via MacArthur Highway?
Paano po magcommute sa SM North via MacArthur Highway?
May cafe ba or bakery sa Valenzuela na gumagawa ng sourdough bread?
Nakakailang balik na ko sa PGH, at halos paisa-isa lang agenda na nagagawa ko per day:
* day 1 pumila ng ilang oras para sa schedule
* day 2 pumila ng 10 hours para sa general consultation
* day 3 pumila ng 12 hours para sa specialista
* day 4 pumila ng 9 hours para sa social services lang
* day 5 para sa laboratory
* day 6 para naman sa procedure
* day 7 para sa followup checkup.
Naisip ko, sa private hospital, hindi aabot ng ganito kadami ng araw, pero may mahahabang pila pa rin. Libre naman sa PGH, at sa department kung saan ako nagpapaconsult, sobrang professional ng mga staff at very understanding kahit sobrang kulit at agitated na ang mga nakapila; maraming tumitingin sayo na doktor at nurses, lahat nakikinig sayo at magaling magpaliwanag ng mga bagay-bagay: sakit mo, procedures, etc.
Sa OPD Building kinukuha yung blue card ng PGH kapag 1st time mo magpaconsult, ito yung magsisilbing appointment card mo sa consultations or procedures. Doon mo sa OPD makikita yung sobrang siksikan, dagdag pa na sobrang init: may mga nakasalampak na sa sahig. Nakaratay sa hospital bed pero nasa pasilyo. Kita mo ang pagod at gutom ng lahat: pasyente, bantay, mga staff, mga doktor. Dagdag pa na givien na may mga nararamdaman na sila sa sarili nila.
Sabi ng isang nakakuwentuhan ko, tignan ko nalang daw ang sitwasyon sa mga ward, mas nakakapanlumo. Di ko naman na sinubukan wala naman akong business doon eh. Naisip ko lang din, sa akin 7 days ang hindi ako nakapasok pero covered ng sick leave, paano naman sa iba na no work no pay?
Ganito na nga na nakakaawa ang sitwasyon ng PGH, paano naman kaya sa iba pang government hospitals? Kahit private hospitals nakakaawa na rin... Tapos maiisip mo rin, nakukurakot lang mga buwis natin, hays, ang hirap maging middle class worker sa bansang to.