u/reggy__

The amount of calls from unknown numbers I’ve been receiving is very alarming

Isang beses lang ako sumagot ng unknown number kasi akala ko parcel delivery, pero muntik pa akong ma-scam. Nagpanggap silang BPI at nakakagulat kasi alam nila halos lahat ng personal information ko. Buti na lang hindi tayo madaling mauto, nahalata ko agad na scammer.

Simula noon, parang average na 3 calls a day na natatanggap ko. Ang hirap tuloy i-filter kung scammer ba o legit na tawag. Ilang beses na rin akong nagkaroon ng returned delivery dahil hindi ko nasasagot yung mga rider.

Kayo rin ba? Paano niyo hinahandle ‘to?

u/reggy__ — 1 day ago