u/rei-of-sunshinee

ABYG kung nagcocontemplate ako kung worth it pa bang ituloy yung relasyon namin?

Eto na nga, ako (26F) at yung bf ko (26M), 3 yrs na kami and may vapeshop business. Ngayon may nakita akong bagong battery ng vape then inask ko if kanino yon, kasi may one time na kumuha sya ng battery sa benta namin tapos hindi nya sinabi, alam kong samin galing yon kasi wala namang ibang nagbebenta around samin maski sa direct circle of friends nya at alam kong kami lang may color variant non, tas inamin nyang kumuha nga sya ang sabi nya pa sakin “oo wag ka mag alala edi babayaran ko?!” Basta pagalit kasi nahuli ko. Nagalit ako sa kanya non tapos nagalit din sya.

Going back, ayon na nga may bago na naman akong batt na nakita, alam ko samin yon, cinonfront ko ulit sya sabi ko “may kasalanan ka sakin, ano na naman yang batt mo na yan kinuha mo na naman yung sa benta” tas sabi nya “anong benta? Kay (friend1) yan” sabi ko naman “Friend1 eh kinuha nga non battery mo last time” tas edi defend na naman sya sabi nya “oh bakit kapatid nya nagbebenta” si Friend1 kasi may kapatid yon nagbebenta rin pero hindi naman maramihan lang 2 pcs 3pcs batt lang. based sa itsura nya na galit na naiinis, alam kong ginagaslight nya na ako. Edi ginawa ko chinat ko si Friend1 nya, ending di raw kanya kay bf ko raw. So pinakita ko kay bf, para alam nyang alam ko na nagsisinungaling sya.

Then, sumagot ulit sya “edi kay Friend2 yan, sila lang naman kasama ko kagabi sa bahay nila” (naghihiraman kasi sila ng vape tas nauuwi minsan) tas sabi ko sa kanya “Kanino talaga yan? Pag nagbilang ako ng inventory ah” binibigyan ko pa sya ng chance umamin. Tapos sabi nya pa “oh edi magbilang ka para malaman mo” tas sabi ko “ano talaga? Pagbibilangin mo pa ako ng inventory para sa isang piraso na yan kung pwede mo naman sabihin sakin” tas sabi nya “bilangin mo nalang yung inventory para malaman mo naneto” (naneto is parang tng1na neto) tas sa gigil ko sabi ko “nagmumura kapa dyan lakas mo?!” Tas umalis na sya kasi sasamahan nya si friend1.

Ngayon, chinat ko si friend2 sabi nya, “hindi samin yun kung yung kulay green yan sa kanya yan” odiba di na ako nagtanong ng pasikot sikot rekta na sinabi sakin. Tangina nagsinungaling pa twice.

ABYG kung nagcocontemplate na ako kung worth it pa ba to? Ang dami na nya kasing small lies tapos sa lahat ng beses na yon, galit pa sya talaga kasi nahuhuli ko syang nagsisinungaling. Tapos pag galit ako after ilang minuto magsosorry na parang ganon ganon nalang yon. Naiipon na yung galit ko sa small lies na yon na minamanipulate nya akong parang ako pa yung mali. Nagmumura pa (sa relasyon kasi namin ayoko ng minumura isat isa) 😭😭

reddit.com
u/rei-of-sunshinee — 2 days ago

TLDR

Hello po context lang muna:

Nagmove out na ako sa amin, nagpakalayo layo na talaga ako. Ngayon edi diba need transfer. Gusto ko sana gawin yung transfer method na intayin nalang mag expire pero kada week nalang kinukulit ako ng parents ko for updates so nagtransfer ako.

Tapos edi nagcchurch pa rin ako pagkatransfer ko, after ilang months, di na ako sumasamba kasi naman ate graveyard shift ako talagang pagod na pagod ang utak ko kasi iba talaga tama sa katawan pag pang gabi.

Eto pa for some reason, kaya malakas loob ko na di na sumamba, di ako dinadalaw sa nilipatan ko dito, wala ko relatives dito, at mahirap ang address dito kasi terrain sya bundok bundok. Kumbaga pag sinabi mong kabilang street aakyat kapa ng pataas.

So ayon na nga di nila alam address ko, di nila ako madalaw, di ko rin sinasagot mga tawag nila. Kaya ang naging last resort nila is tawagan yung lokal na pinanggalingan ko at iinform na hindi na ako sumasamba. Ilang buwan na akong tahimik tas biglang ganon. Ngayon nag message sakin mama ko na yan na raw kinatatakutan nya yung mababa sa pagka diakono papa ko dahil sakin.

Everytime naririnig ko yang linya na yan para akong nasusuffocate na naanxiety, kasi bakit ba nila kailangang gamitin at stake yung “tungkulin” ng papa ko para lang mapabalik ako? Tska pag nadidinig ko yang church na yan parang nakakasakal agad, di ko talaga gets bakit need iforce yung mga tao sumamba sa kanila hindi ba dapat may will yung mga tao? Sa dami ng rules marinig mo palang para kang sinasakal eh.

Paadvice naman po ano pwede gawin para maalis na? Ang alam ko kasi may yearly yan diba na ginagawa, na parang nag aayos sila ng listahan then kapag di na nakasamba aalisin ka? Yun inaantay ko para kusa nila ako alisin 😭

reddit.com
u/rei-of-sunshinee — 16 days ago