Nilalagnat isang student ko kaya pinasundo ko siya ng maaga…

Nilalagnat isang student ko kaya pinasundo ko siya ng maaga…

Pagkauwi, nagchat ang mommy na kung pwede pakisend ‘yung sinasagutan nilang activity sa board kasi umiiyak daw anak nya dahil hindi nya natapos gawain. Kahit kasi pinapadukdok ko nalang, nagsulat parin sya bago dumating ang sundo.

Kapag ganito estudyante mo sisipagin ka talaga magturo. Kitang kita ang eagerness to learn. 🥹💕

u/sheskate — 1 day ago
▲ 20 r/ElementaryTeachers+2 crossposts

my grade 2 pupils took these!

While conducting remedial reading sessions after class, I let my Grade 2 pupils use my digital camera. These are the photos they took.

u/sheskate — 1 month ago

Bakit ka sumusuko?

Tama na muna sa bakit ka bumabangon. Kabisado naman na natin ang sagot dyan eh. Syempre sweldo! MYB. YEB. PBB. SRI. PEI. Lahat na basta salapi.

Ang pag-isipan muna natin ngayon, ano bang nagpapasuko saating mga guro? Bakit napaka daming teachers ngayon ang hindi na nakakaabot sa retirement age at nagreresign na?

Sa personal experience ko:

Toxic colleagues. HIndi tayo hirap sa pagtuturo. Mga guro tayo eh. Trabaho natin yun, yun ang pinag-aralan natin buong kolehiyo. Kahit na ano pang mga programa nag ibalibag saatin ng DepEd naniniwala akong kaya nating gampanan yan. Ang problema ay yung mga kasama.

Simulan natin sa mga Master Teacher na imbes manguna para maging ehemplo sa mga bago eh idadahilan lang ang paboritong linya nila “tapos kami dyan. kayo naman ang gumawa para matuto kayo. hindi na namin magagamit yan. kayo mapapakinabangan nyo pa yan sa pagpaparank.” na tila ba nakalimutan na nilang kaya nga sila pinasasahod ng malaki ng gobyerno ay para gabayan ang mga baguhan sa field?

Tapos nandyan pa ang corrupt na school head. Kapag hindi mapasunod ang Master Teacher sa trabaho, ipapasa sa baguhan ang gawain. Walang ginawa kundi mag aircon maghapon sa opisina. Ang liquidation nya, bahala si clerk at AO. Ang SPIR nya, bahala kung sinong teacher ang madaling sindakin at utusan. SBM at OPCRF nya si teacher parin ang gumagawa during uninterrupted vacation!

Bukod sa matataas na opisyal na ‘yan, may mga dumadagdag pang nagfifeeling mataas din na co-teacher mo. Mga intrimitida na kung bantayan ka daig pa CCTV. At dinaig pa ang 24oras na ipamalita ka sa iba.

Kayo mga ka-guro, ano nagpapatabang sa DepEd para sainyo?

reddit.com
u/sheskate — 1 month ago