DOES THE HUNGER FOR ACADEMIC VALIDATION STOPS
​
Ang hirap pala kapag sinanay mo sarili mo at mga taong nasa paligid mo na palaging kang may medalya, 'no? Ginto pa kung tutuusin, maramihan pa sa isang bigayan.
Pero ayoko na kasi e, masiyadong mabigat. Gusto ko na lang sanang unahin muna sarili ko. 'Yung peace of mind, it sounds nice, right? That's what I crave—at least what I want to.
Sabi ko, tama nang hanggang hayskul na lang ang pagiging "May pinakamataas na karangalan" ko. Pero gagi bakit ganon hahahaha. Hindi ko maiwanan.
Ayoko na pero parang hinahabol ako. Hindi ng mga medalya kundi ng batang ako na halos ibigay ang kaniyang buong sarili para sa mga ito.
Maling paikutin ko ang aking mundo sa mga karangalang ito pero paano ba kasi lumayo rito?
Ayoko na talagang hanapin pa 'yung satisfaction kapag nakakakuha ng karangalan. Pero bakit ang hirap panindigan?
When does the hunger for academic validation actually stop for someone who has lived by it since a little kid?