u/sutoroberimilky

24/7 cafes?

May alam ba kayo na cafes na bukas 24/7 or kahit madaling araw na nagsasara? Looking for a chill place lang kasi para makapag review. Di ko kaya mag review sa bahay 😔😣

reddit.com
u/sutoroberimilky — 3 days ago

Free will!! Timezone karaoke nang alone lang tapos puro birit pa kanta ko lol

Inubos ko yung 300 load sa card kakakanta lang HAHAHA newly opened din ang mall so wala masyadong tao hehe nasolo ko rin ang timezone karaoke =w=

u/sutoroberimilky — 4 days ago

LUMINA FESTIVAL: VIP area vs SILVER area

Hahahhaa ang lungkot tignan ng silver area kala ko naman mas madaming lanterns dito kasi ito yung pinaka affordable na ticket tier 🥲

Also, may mga ilan din akong reklamo dito:

-Sana ginanap ito around January or February kung kailan mas malamig lamig ang panahon. Lalo na sa Pampanga ito ginanap. ANTEH napaka-init sa norte tapos 3PM pa talaga naisio niyong start ng event pasong paso sa init ng araw at init ng hangin ang mga tao.

-I was expecting more of a Tangle-inspired event pero ang daming nangyayari sa paligid na matatawa ka nalang. Yung bungad sayo ng event, casino game. Sa gilid, may peryahan. Sa kabilang gilid magugulat ka bakit may mga mascot na GRIMACE at HAMBURGLAR 😭🤣 sa gitnang part may rooftop restobar at may sariling concert ang mga singers doon hahahhaa yung entrance ng Silver tier magugulat ka nandun yung concert grounds eh yung concert grounds ay for Gold and VIP tier. May mga food stalls sa loob ng concert grounds na fenced out pero may mga nakakapasok pasok pa rin na kahit hindi gold or VIP ang ticket yung iba nga nagbayad lang ng PHP50 as regular entrance fee pero na-experience din nila yung pa-concert doon 😆

-Lastly, napansin ko rin na wala man lang bang coordination na maayos?? Nagaantay kasi kami ng queue or announcement na magpapa-lutang na ng lanterns. Pero nag-antay kami hanggang 9pm nagulat nalang ako dun sa kinauupuan namin sa may bandang dulo pa nagpapalutang na sila ng lanterns hahaha Silver tier kasi kami so ang understanding ko sa dulo kami magpapalutang tapos nagulat ako may designated area sa gitna pala ng lake hahaha naisip ko pano nalang yung mga nagpa-lutang na ng lanterns doon sa dulo? Ang lungkot tuloy ng experience. Also napansin ko sa picture kung saan yung VIP area may mga lanterns na walang sulat. Daya niyo Vibe Events hahahaha naglagay kayo pamparami eklabu na lanterns. Di niyo man lang naisip yan gawin sa Silver tier mukhang malungkot yung sa amin 🥲

Ayun, sobrang underwhelming lang ng event. Buti nalang maganda boses ni Nobita sa live hahaha dismayado din parents ko at kapatid ko na sinama pa yung jowa niya. Well at least naranasan ang local floating lantern fest.

Uulitin ko ba? Yes PERO sa Vietnam nalang mga beh hahahaha

u/sutoroberimilky — 11 days ago

Actually, I've graduated naman na last 2023 and now I am reviewing na for the board exam this coming June. May na-ungkat lang ako na nangyari sa akin noong nag-aaral pa ako hahaha kasi nanghingi ako ngayon ng recommendation letter sa department head ko. Then nag backread ako at nabasa ko na nagsumbong ako sa kanya dati sa ginawa ng Engineer na prof namin sa mga tulad kong INC sa subject niya.

So ang ginawa namin pinasa nalang namin yung kulang na activities pero sobrang short notice ng announcement niya na may ipapagawa nalang daw siyang iba sa amin. Wala naman na kaming nagawa at tinanggap nalang yung pinapagawa niya at yun ay gawan ng 3D visualization yung floor plan na isesend niya sa amin. Sa apat namin na INC sa subject niya, ako lang yung may matinong rendering software that time so ako lagi yung nakikipag coordinate doon sa prof na yon. Jusko isang buwan mahigit namin yon pinroblema hanggang sa unti unti kong narealize na sinamantala niya lang yung pagkaroon namin ng INC para may mautusan siyang mga studyante niya na mag FREE 3D visualization para lang matanggal INC namin sa kanya. Inantay ko nalang talaga na palitan niya yung grades namin sa portal dahil malapit na mag enroll that time para sa panibagong sem at di pa niya kami binibigyan ng grade. Kinulit ko nalang dahil nakailang remind na rin sakin yung Department Head namin that time. Pandemic era pa to guys so lahat online talaga.

So nung nabigyan na kami ng grade, I ghosted him na. Sa isip isip ko FUCK THAT SHIT IM OUT hahahahhaa sobrang arte niya dami niya pinapabago sa design gusto niya pa lagyan ko ng gate!!! Pota kapal ng mukha talaga ng Engineer na yon hahahaha

Eto sabi niya guys nung sinend ko yung final perspective bago matapos ang taon na yon 😂

(Sinend ko kasi 4 months after ko siya i-ghost haha buti nga sayo LE is CHE ka maghanap ka kasi ng licensed architect at doon ka magpagawa at MAGBAYAD KA!!!)

u/sutoroberimilky — 26 days ago