u/tararabumdeay000

First-time mom here! Paano nyo pinapatulog si baby kapag nilalabanan ang antok?

Hello mga mamsh! I'm a first-time mom to a 2-month-old . Medyo nakaka-challenge na lalo ngayon kasi halos ako lang din naman ang nag-aalaga mag-hapon habang si partner ay busy sa main at part time work.

Sila ba talaga yung grabe lumaban sa antok sa
stage na 'to? Sobrang hirap nya i-settle lately, feeling ko nga nagiging overtired na sya kaya lalong umiiyak bago makatulog.

Pwede po ba makahingi ng tips o routine nyo?

Paano nyo pinapatulog si baby tuwing:

• Umaga: Paano kapag medyo maingay sa bahay?

• Hapon: Kumakapit ba kayo sa contact naps o
may technique kayo para mailapag sa crib?

• Gabi: Ano ang bedtime routine nyo para alam
nyang sleep time na talaga?

Baka may ma-share kayong tricks tungkol sa wake
windows o sleep cues na nag-work sa inyo. Medyo nakakapagod pero kakayanin!

Salamat po sa sasagot!

reddit.com
u/tararabumdeay000 — 3 days ago

First-time mom with no “village”—how do you survive doing almost everything alone?

Lagi kong naririnig yung kasabihang “It takes a village to raise a child.” Pero paano kung wala kang village?
First-time mom ako at may newborn baby kami. Sa sitwasyon namin, wala talaga kaming maaasahang tumulong sa pag-aalaga ng baby. Hindi rin namin afford kumuha ng yaya o ibang mag-aalaga, kaya kami lang talaga ng partner ko.
Yung partner ko, nagtatrabaho sa office sa umaga. Pagkatapos ng shift niya, bumabyahe pa siya bilang TNVS driver para may dagdag na kita. Kaya kadalasan, ako lang talaga ang naiiwan mag-alaga sa baby.
Sa totoo lang, sobrang hirap. May mga araw na hindi ako makakain sa tamang oras, hindi makaligo nang maayos, at hindi ko rin maasikaso ang bahay. Pakiramdam ko palagi akong pagod, overstimulated, at mentally drained.
Minsan, naiisip ko pa na baka wala akong kwentang nanay dahil parang hindi ko kayang pagsabay-sabayin ang lahat.
May iba pa bang naka-experience o kasalukuyang dumadaan sa ganitong sitwasyon? Paano niyo kinakaya? Ano yung mga ginawa niyo para kahit papaano gumaan ang araw-araw na buhay niyo?
Kahit simpleng tips, routines, o mindset na nakatulong sa inyo, sobrang maa-appreciate ko. Gusto ko lang marinig na hindi pala ako nag-iisa sa ganitong pinagdadaanan.
Salamat sa lahat ng sasagot.

reddit.com
u/tararabumdeay000 — 4 days ago