u/vanillatwilight10

client wants to loan money for house construction

Hello. not sure if tama yung flair. first time ko po mag post here.

My husband has this client since 2019. very tight na yung relationship nila. ilang beses na nag bigay ng pang purchase ng work setup upgrade. and other gifts for our family. ngayon, nakabili na kami ng lot for our future residential home. pero hesitant pa kami patayuan kasi need pa mag ipon ulit.
si client, gusto niya magpa loan sa’min ng 150k usd (with interest).

tho ayaw namin tanggapin kasi mas mataas interest niya compared sa bank. advantage lang is makukuha namin ng buo pag sa kanya.
kaya napapaisip pa rin kami na iconsider.

question: in the case na tanggapin namin, pa’no po ‘yun in terms of pag transfer ng money? kasi usual MOP sa husband ko is Wise. eh yung 150k usd is sobrang laki naman compared sa usual monthly sweldo nya. ma fflag na under AMLA hehe. thank u

EDIT: salamat po sa mga inputs and reminder! we decided not to accept the offer and to just save for now.

reddit.com
u/vanillatwilight10 — 23 hours ago

mother’s day

hello. ako again. maglalabas lang ulit ng thoughts and feelings hehe.

mother’s day na in 2 days and nag pprepare na ako ng sarili na walang ma receive na anything special from my husband. tho, for sure babati naman and baka magpost ng collective greeting kasama sa mga nanay namin

we are well provided for, pero pagdating talaga sa mga occasions.. ako ang planner. si hubby is super busy talaga as freelancer with multiple clients, so even bday niya wala siyang paki. ako talaga yung nag gagawa ng mga ganap. travels, celebrations, etc. financer siya kumbaga

since naka maternity leave ako, ini encourage niya ako to go out and have my ‘me time’. pero syempre since may economic crisis pa rin, di pa rin ako nag gagastos masyado. nakapagpa massage naman na ako a few weeks ago. minsan minsan nag aaya siya lumalabas kami for grocery runs slash mini dates.

hindi ko alam if dahil ba dumating na yung period ko kaya extra emotional ako pero nag ddread ako sa mother’s day. kasi masakit mag expect na wala talaga ako matatanggap na anything from my husband. di kasi ako mahilig flowers pero u know, from time to time, a surprise one is still highly appreciated bc who doesn’t want a “just because” flowers diba.

di ko rin alam ano gusto ko ma receive. pero ba’t ko naman kasi pag iisipan yung gusto kong surprise for me hahahahaha nagiging delulu na ‘ko. idk, i’m just feeling really down lately especially since nakunan ako. parang naka auto pilot lang ako. baka usual simba then alaga sa daughter ko lang mangyayari sa sunday.

anyway, advance happy mother’s day, mga mommies.

reddit.com
u/vanillatwilight10 — 14 days ago

hello, just want to share na i’ve had a miscarriage last easter sunday. may pait pa rin pag naaalala ko ‘yung irony na nawalan ako sa araw ng pagkabuhay. the baby was supposed to be our 2nd baby. 8 weeks siya nung nakunan ako.
our panganay is only 17 months old today.

thankfully, hindi naman ako need iraspa. just pills para mag bleeding for a week. currently on a 2-month maternity leave ako ngayon. may part sa’kin na gusto ko na ulit ma buntis, though i’m really enjoying the time mag alaga sa daughter ko habang walang work.

wala lang. na share ko lang. gusto ko pa sana ikwento kung gaano ka walang kwenta at walang urgency yung medical city sta rosa habang nagbbleeding ako hanggang sa nawala na, pero wag na lang. pinipilit ko na lang tanggapin na wala na talaga.

btw active kami ulit ni husband kahit di pa ako dinadatnan ulit. 60% hoping na mabiyayaan ulit soon. may naka experience na ba sa inyo mabuntis ulit after miscarriage, bago bumalik ang regla?

yun lang. sorry magulo ako magkwento. :)

reddit.com
u/vanillatwilight10 — 16 days ago