Wonderful Transport New Temporary Route
so during the dry run ng Wonderful Transport (bagong ruta from Mendez - Tagaytay - Amadeo - SM Gentri - Lancaster - Zeus - PITX - One Ayala), nabaril pala ang isang bus sa Amadeo. nabalita na siya sa TV5 last ime.
https://www.facebook.com/share/v/1DvYbAt1zY/?mibextid=wwXIfr
nakakalungkot as someone from Amadeo, ilang lipat na naman ng sasakyan para lang makapuntang Manila.
I asked most of the people who posts on Facebook about Wonderful Transport kaya nakasama ako sa GC kasama ang mga drivers, conductors at inspectors.
ganito ang current byahe nila FOR NOW. (hindi pa final since nakikipag-usap pa yata sa mga opisyal sa Amadeo).
MENDEZ to Tagaytay tapos diretso siya Tagaytay Bypass Road then papasok ulit ng bagong Eastwest Road tapos kakanan padiretso sa Gateway.
HINDI SILA MAGSASAKAY SA MAY PILAHAN NG JEEP at TRICYCLE. kahit pala sa may pa-Open Canal may mga nambabato raw kaya hindi sila makapagsakay.
ayun lang. 'di ko alam paano magjoin sa Messenger GC. nagmessage lang ako dun sa isang driver siya nag-add sakin. hehe. updates din asan sila banda so maeestimate ang hintayan.