Thought Experiment Para Sa Mga Iglesia Ni Cristo Lurkers
May apat na Bible scholars kang inimbitahan:
- Person A: Atheist Bible Scholar
- Person B: Jewish Bible Scholar
- Person C: Catholic Bible Scholar
- Person D: Protestant Bible Scholar
Tinanong mo silang lahat kung sino ang tinutukoy na “Bird of Prey” sa Isaiah 46:11.
Pare-pareho ang sagot nilang apat: Si Cyrus ng Persia.
Magkakaiba sila ng paniniwala, relihiyon, at theological background. Maaaring hindi sila magkasundo sa interpretasyon ng maraming ibang talata ng Biblia, pero pagdating sa Isaiah 46:11, iisa ang kanilang konklusyon.
Ngayon, enter Person X na hindi isang Bible scholar.
Wala siyang pagkakatulad sa apat pagdating sa interpretasyong ito. Ang sabi niya, siya raw ang “Bird of Prey,” at mali silang lahat.
Apat na Bible scholars na magkakaiba ang paniniwala, pero nagkakaisa sa interpretasyon ng talata.
Isang tao na nag-aangking siya ang tinutukoy ng talata, pero taliwas ang interpretasyon niya sa kanilang lahat.
Tanong: Sino ang mas paniniwalaan mo?