u/yuana0704

Cat resuce
▲ 16 r/UPELBI

Cat resuce

Hi po! Pwede magpahelp. Meron kasi kami nadaanan sa may paglampas ng st. Therese bago magUP gate na pusa na may blood sa mouth. Tas umiiyak. Hindi ko nakuha kasi may kasama ako na senior at may hinahabol po kami na oras ng lab nya.

Nasa may ibabaw po sya ng pader. Hindi ko po alam san pwede lumapit para magpatulong. Nagchat ako sa Cats of Uplb pero afaik hindj sila nagrerescue.

u/yuana0704 — 10 days ago
▲ 8 r/peyups

Not sure if this is the right sub. Padelete na lang if hindi.

May mga nandun ba sa UPLB Freedom Park kaninang hapon? May naka-witness ba nung German Shepherd na humabol sa aspin?

First time namin tumambay doon so hindi ko alam kung normal ba yung ganung setup. May owner kasi na parang nagti-train ng German Shepherd niya. Okay naman sa una, mukhang nakikinig yung dog. Pero bigla nya na hinabol yung isang black dog na naglalaro ng frisbee. Buti na lang well-trained yung black dog at sumama din agad sa owner niya.

Kaso dun pa lang napansin ko na parang very nonchalant yung owner ng German Shepherd. Sabi ko pa sa sister ko, parang hindi dapat naka off-leash kasi mukhang ongoing pa lang yung training. Tas pinaguusapan pa nga namin naexample un sa huskies and kay ghost. After a few minutes, as in wala pa aa 5mins, bigla na lang hinabol nung German Shepherd yung isang aspin na brown. As in malayo yung hinabol, mula malapit sa acacia sila e tas umakyat hanggang sa may kalsada papuntang Men’s Dorm tapos umikot pa papuntang Baker Hall. Sobrang tense grabe!. Natakot talaga ako para dun sa brown dog kasi baka malapa siya. Buti na lang sobrang bilis niya, as in super, feel nya siguro masasatan sya. Hindi siya naabutan. Nagslow down un german sheperd tas hnd ko na matanaw san sumuot un brown dog kasi malayo na. Ang pinaka nakakainis kasi ako is walang urgency yung owner. Hindi siya tumakbo agad, parang ang bagal ng response. As in!! Parang wala pang balak tawagin yung aso nung una. Tas nu kumilos syapara sya naglalakad sa buwan!!!

Sa mga may experience sa pag-train ng big dogs, normal ba yun? Ganun ba talaga dapat? After bumalik yung dog, hindi ko na sure kung na-correct ba yung behavior or nilagay man lang sa leash. Nagligpit kami agad tas umalis kasi natakot kami na baka may sunod na habulin, lalo na sa smaller dogs. Balak pa naman namin sana dalahin un puppy namin na shihtzu sa susunud na balik pero hindi na pala.

reddit.com
u/yuana0704 — 19 days ago