
New pick ups
Share ko lang mini collection ko. I'm really new palang pero para need ko na ata mag stop kakabili nito mga perfumes. 6 na sila and baka aabutin pa ng isang taon o mahigit pa before sila maubos. New pick ups ko hawas ice at liquid brun.
Montblanc Explorer - eto dahilan baket ako napasok sa ganito e. Napa amoy ako ng tester at ang bango lakas maka professional ng dating. Woody, masculine at malinis perfect pang everyday na signature mapa office or casual easy grab talaga.
Club de nuit Intense man limited edition - eto napabili ako kase nabasa basa ko kahawig daw to ng montblanc pero mas grabe sa performance. Napaka alpha or masculine, pineapple at bet ko din yung smoky sa drydown. Maganda sya pang date o formal events
Afnan Turathi Blue - eto is parang sabon, mamahlin na sabon and malinis sa feelings. Para kang amoy mayaman na nasa high end na resort. Goods for casual wear din
Rasasi Hawas Ice - Apple na lemon na minty ang pagka fresh. Na iimagine ko mga 25 years old below ganito datingan, youthful kase then matamis din. Goods pang casual o pang beach/pool chuchu. Grabe 3 sprays lang beast mode na
Afnan 9 pm - eto talaga bet ni gf sa lahat. Ewan ko bakit pero para saken matamis sya, parang bubblegum at beastmode din tagal mawala amoy super. Goods pang nightlife kung mahilig ka clubbings.
Liquid Brun - eto is parang chocolate. May vanilla pero naamoy ko talaga parang chocolate. Elegante datingan para kang kakalabas sa mamahaling bakeryhan. Eto pang date to ewan ko kung goods ba tag init pero parang cloying if na overspray din.