
Another Wild Take Undermining the Competence of PH RNDs—AGAIN
Dahil sa doctor na nagpapabawal ng prutas sa mga patients with Diabetes, naglakas nanamang magpost ng hindi pinag isipang maigi tong RND-MD na ito na hindi naman talaga alam ang tunay na realidad ng pagiging REGISTERED NUTRITIONIST DIETITIAN dito sa Pinas.
Unang una, ang lakas magsabi ng hot takes bilang CLINICAL DIETITIAN or being a REGISTERED NUTRITIONIST DIETITIAN WORKING IN A HOSPITAL kahit wala naman talagang LONG-STANDING at EXTENSIVE EXPERIENCE sa hospital setting bilang clinical dietitian at walang alam kung ano ang tunay na nangyayari sa field. Hindi valid ang internship years mo beh. Sorry.
Tama naman ang point na, oo. Doctor naman talaga ang nagbibigay ng diet prescription or diet rx ng pasyente dahil ito ay part ng therapeutic management nila. Gets na gets din namin na ang doctor ang primary health care provider ng pasyente dahil mas alam nyo ang medical conditions at kung ano ang nangyayari sa katawan ng patient at kung paano sya pagagalingin.
Pero KARAMIHAN ng doctor, marami sa kanila ang kulang ang nalalaman sa nutrition management na ibibigay sa pasyente nila. Ang madalas pa nga sakanila ay may maibigay lang. madalas GENERIC. In short, walang impact sa management ng pasyente!!!!
Kaya dapat yung mga ganyang take, hindi mo na pinopost. Kasi hindi siya nakaka empower sa dietitians. Para mo kaming minamaliit. Na kesyo eto lang kasi alam namin. Hanggang diyan lang kayo. This is where division begins, along with a false sense of superiority over others.
Sa mga pinagsasabi mo, bumababa ang tingin sa mga dietitians dahil sa mga pinupunto mong yan. Mas maganda kung ang sinasabi mo ay, doctors also heavily trust dietitians in co-managing our patients dahil sa nutrition expertise nila. "Makinig!!"
Eh hindi... Nagpaliwanag nanaman ng kung ano ang dapat lang gawin ng mga Dietitians. At binida nanaman ang kakayanan ng doctors kahit ang doctor na main issue dito ay questionable ang nutrition advices.
Mas pinaniniwalaan tuloy sa social media ang mga DOCTOR nga pero questionable naman ang nutrition advices sa mga pasyente. At pwede itong magcause ng harm.
HAYAAN MO NA KAMING MGA DIETITIANS ANG MAGTURO NG TAMANG DIET AT NUTRITION SA PASYENTE.
Hindi nakakatulong yang post mo. Nakaka-offend. Na para bang ang role lang namin ay papasok lang kapag kailangan nyo na irefer ang pasyente sa amin, which is not.
MOBAVAYYY